Entry #1

91.2K 1.4K 252
                                    

Entry #1

Dear Diary,



Carlo sat beside me today, he's so cute. Sabi niya I'm pretty kaya lang I'm fat. I eat too much kase eh. Mula ngayon, goodbye chocolates, goodbye spaghetti, goodbye hotdogs... aayyy...GOODBYE CARLO!

Joke lang dear diary! Ito seyoso na.

Maaaring nagtataka ka kung bakit ako gumagawa ng Diary. Hindi nga naman ugali kasi ng mga lalaking katulad kong pogi ang gumawa ng diary. Baka isipin mong may berdeng dugo ako. Ngayon pa lang sinasabi ko sayo, kahit gahiblang berdeng dugo wala ako. Hindi ko sinayang ang poging mukha na nilikha ng Diyos. Lol.

Gumawa ako ng diary kasi, sabi ng kapatid kong si Joanne, cool daw ang may diary at dahil sa cool ako, gumawa din ako. Pero di nga dear  diary, may problema kasi ako. AT sa palagay ko ikaw lang ang makakatulong sa akin. Ganito kasi yun:

May kaibigan ako, tawagin na lang natin siya sa pangalang Johnny. SI Johnny po isang pogi, macho, mayaman, mabait, gentleman na lalaki. Yung tipong boy next door ang dating. Pero dear diary di hamak naman na mas pogi ako kay Johnny. Hindi ko po type si Johnny dear diary. Gusto ko lang siyang ipakilala sayo. In fact nag attach ako ng picture niya.


Ito po kasi ang nangyari.



Isang araw po nagkayayaan ang magkabarkada na magbilliard, ito namang si Johnny, kung hindi ba naman kasi eengot engot, dinala niya ang kanyang girlfriend sa bilyaran. ANg pangalan ng kanyang kasintahan ay si Anya. Anya Larrazabal.  Nakabold yan ha. Bold yung letters, hindi bold na naiisip mo. (Pervert ka ba dear diary?). Anyway, pagkapasok na pagkapasok pa lang po ni Anya (nakabold ulit) sa bilyaran napanganga na ako. Nahulog na ang aking puso at napatulo ang aking laway.  Ito kasing si Anya. Saksakan ng ganda. Para siyang anghel na hinulog ng Diyos mula sa langit para magbigay ligaya sa mga lalaking pogi katulad ko. Siya na siguro ang ultimate meaning ng salitang drop dead gorgeous (pasintabi kay Oca). Sa unang kita ko pa lang sa kanya alam kong siya na ang babaing nababagay sa akin. Pero dear Diary, gerlpren nga siya ni Johnny. na pogi, macho, mayaman, mabait, gentleman na lalaki. Yung tipong boy next door ang dating. (Paulit ulit)


Ano po ang gagawin ko? Susulutin ko na ba siya kay Johnny o magpapaubaya ako at kikimkimin ang nararamdaman ko?


Alam kong ikaw lang ang makakatulong sa problema kong ito. Kaya please lang tulungan mo ako. Wag mong hayaang maging malungkot ang isang poging katulad ko.


Nagmamahal,

Paolo


P.s. Ilagay mo na lang po ang iyong kasagutan sa ibaba. TY.


Sa susunod po ipopost ko ang picture ni Anya. Hindi ko pa kasi nakuha ang picture ni Anya sa wallet ni Johnny.

Ang Diary ni Jeannie PaoloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon