PROLOGUE

20.1K 135 51
                                    

SACRIFICE.

Naglalakad ako sa hallway papunta sa locker ko and everyone's staring at me with a question on their faces 'bakit, Cole?' .


Bakit nga ba? Bakit ganyan sila lahat makatingin sa akin? As if I did something wrong?


Papalapit ako sa locker noong makita ko ang best friend kong si Emjhay na balisang balisa na nag-aabang sa tapat ng locker nito kaya agad ko itong nilapitan.



"Hey! Em! What the hell is going on here?" Gulong gulo kong tanong dito.



Tumingin ito sa akin at sakto namang nagtama ang mga mata namin. Pero may mali, may mali sa mga tingin niya. Something is wrong, I can see it. I can feel it.



"What is happening, Em?" Tanong ko ulit dito.



Kitang kita ko sa facial expression niya ang pag-aalala. "Em, talk to me. What the hell is happening? Are you okay?" Tanong ko ulit.



His mouth is twitching, ramdam ko ang gigil ng mga labi niya. "Care to explain this?" Sabi nito at itinaas ang isang red notebook.



Kinabahan ako. Bumilis ang tibok ng puso ko. Yung feeling na parang sasabog ang dibdib ko sa bilis ng tibok nito.



"What. the. hell. is. happening. Cole Anne Marie Montenegro?!" Pagalit na bulong nito. Sh*t! He's freakin' mad.



"Look, Em. I, uhm." Hindi ko maipaliwanag ang lahat, hindi pa sa ngayon kaya napayuko nalang ako sa halo halong emosyong nararamdaman ko. Impossibleng mangyari 'to. Hindi pwede. Pero bago pa ako makapagsalita ulit, nag-salitang muli si Em.



"Tell me, this is not true, Cole. Please. Tell me." Pagmamakaawang sabi nito sa akin.



"Em, I. There's a.... a reason.... why...." 



"What?!!!Fvck! Hell no, Cole!!!" Sigaw nito at sinipa nito ang locker ko and this time his face, Oh My Gosh, I can tell that this is not good anymore. "You know what?! I'm gonna kill that Magalona sh*t! I swear to God, Cole! I swear!" Sigaw nito at akmang aalis na noong hawakan kong mahigpit ang braso nito upang pigilan ito. 



"You're not gonna do that, Em. Please. Don't, just don't. I can explain everything to you, but for now, trust me with this. Okay?. Please. I'm begging you, Em. I can handle this. Just don't do anything that will make our lives miserable. Please, My Em Dear." Pagmamakaawa ko dito.



"What? That's it?" Maiyak iyak na tanong nito. Nakita ko kung gaano kagulo ang lahat sakanya. Pero hindi ko pa kayang sabihin sakanya ang lahat, not now hangga't wala pa akong solusyon sa problema, I know this guy is capable of everything, espeially when it comes to me.



Hinawakan ko ang right cheek niya at hinaplos ng right thumb ko. "Oh, dear. I'm...I'm really really sorry." Matapos kong sabihin iyon tumakbo ako papalayo sakanya at dumiretso sa CR.




LOVE.


Pumasok ako sa isang kwarto kung saan lahat ng tao ay may kanya kanyang pinagkakaabalahan.


Maingay, nagtatawanan, nagkakantahan, nagkukwentuhan.



Maliban sa isang hayop na pinapaligiran ng mga haliparot sa isang sulok ng kwartong ito na abalang abalang makipagpalitan ng mukha sa kahalikan nito.



Naglakad ako papalapit sa sulok kung nasaan mo makikita ang hayop.



Unti-unting tumatahimik ang kapaligiran habang papalapit ako sa mga ito.



Huminto ako sa tapat ng mga haliparot kung saan napapagitnaan ang hayop. At mukhang nakaramdam naman sila, nahinto silang lahat sa ginagawa nila kung saan nabigyang daan ang demonyo patungo sakin.



"The 'girlfriend' is here. Wanna join us?" Sabi nito emphasizing the word girlfriend. Fvck this guy!



"Happy? Huh?" Sarcastic kong tanong dito at itinaas ang red notebook na hawak ko.



"Oh that." Gulat na gulat nitong tanong pero matapos nitong tumingin sakin bumalik ulit ang mapangasar niyang itsura. "Remember, business is business, Cole." Sabi nito sabay smirk at nagbalik sa ginagawa niya kanina sa mga babae niya.



Hinila ko ang babaeng kahalikan nito at itinabi, kusa namang nagbigay daan ang ibang haliparot sa akin, noong makalapit na ako sa kinauupuan nito, hinila ko ang tie ng uniform niya at hinila ito papalapit sa akin kung saan halos magdidikit na ang mga labi namin, pinatong ko ang tuhod ko sa kinauupuan niya at akmang nangaasar na hahalikan ko ito, at noong makita kong pumikit ito. Itinulak ko ang katawan niya ng malakas sa sandalan ng kinauupuan niya at sabay isinampal ang red notebook sa kaliwa nitong pisnge nang napakalakas, sabay sabing "Karma's a b*tch, My Playboy Boyfriend!" 

My PLAYBOY Boyfriend (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon