Epilogue

2.8K 59 11
                                    

Psyche's POV

" Ang love parang flappy bird yan, itap mo lang ng itap yung screen."

Napatingin ako ng masama sa pinagsasabi nitong si Lyka. Bantot! Palibhasa walang lovelife at Flappy Bird lang ang inaatupag.

" Ang Love parang Flappy Bird, kailangan mong mageffort para malampasan lahat ng obstacles." At talagang may obstacle pa siyang nalalaman huh?

" Pwede buuuuuuh Lykaaaa? Tantanan mo yaaaan."

 Hindi niya ko pinansin. Pinagpatuloy niya lang yung pagpipindot dun sa phone niya. Andun siya pinakasulok ng kwarto at nababalutan ng aurang don't disturb.

" Ang love parang Flappy Bird nakakaadik." isa pang bulong niya. Malala na nga ata ang kaibigan ko. Dapat na ba siyang hanapan ng Jowa? Mukhang delikado na eh, di kaya ma-rhodora X na ito.

" Ang love parang flappy bird, ilang beses ka pang bumagsak sa lupa ng unang nguso. Uulit-ulitin mo parin...."

" AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" rinding-rindi na ko at hindi ko na kayang marinig pa ang mga rants niya about sa pag-ibig. Paano magiging katulad ng isang walang kwentang laro ang pagibig? DUUUUUUH! 

" EHE!~" tinaas niya yung ulo niya at tumingin sa mata ko. " Umuwi ka na kasi sa asawa mo at ng hindi ako ang iniistorbo mo. Ansaya-saya kaya nitong laruin."

" Anong masaya dyan? Boring!" singhal ko sa kanya.

" Ge nga try mo?" Binigay niya sakin yung tablet niya. Tinignan ko lang yun. " Try mo lang dali na."

Nung una nagalangan ako pero nung tumagal mukha naaliw naman ako kahit na ang highest score ko so far ay 5. 

" Ateng, malolowbat na Tab ko at magiisang oras ka ng naglalaro 5 lang di mo pa malampasan? Umuwi ka na dali." akmang aagawin niya yung tablet kaya nilayo ko sa kanya.

" Wait lang ibebeat ko pa Highest score mo."

" Helloooooooooo? Pinapaalala ko lang sayo, 130 ang highest score ko. Baka abutin ka ng tatlong araw diyan tsaka umuwi ka na dun sa kumag kong pinsan sige ka baka maghanap yun ng iba."

Uminit yung ulo ko nung maalala ko na naman yung kagabi! 

" Hayaan mo siya maghanap ng iba, tsaka nakahanap na yun. Panget nga lang ng taste niya, sana nga binili ko na lang siya ng janitor fish na pet."

" JANITOR FISH? AANHIN NIYA YUN?"

" Ewan ko, tanong mo sa pinsan mo." pinagpatuloy ko ang paglalaro, ngayon nga lang limitado ang bawat galaw ko kasi naka-charge na yung tab niya. Grabe biruin mo yun nakaka 8 na ko, galing ko na Omyjeeeeezzz

" Alam mo tama talaga ako eh, ang love ngang parang flappy bird kapag nahulog ka at malayo na ang narating at pinagdaanan mo, gaano mo man pakaiwasang bumagsak, malalaglag at malalaglag ka parin.. at ang masakit, wala pang sasalo sayo." hindi ko alam kung tama yung pagkakadinig ko na may lungkot sa tono ng boses niya... hindi kaya... umiibi-

Million Reasons WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon