sa wakas

12 0 0
                                    


nag Simula sa pag kaway ,
nagtapos sa pag kamay,
dito nga  ba magtatapos ang lahat ng bagay?,

sa unang yugto ng aking kabanata,
laging maalala ang aking pagkabata,
sa mga pagkakamaling nakamtam
may mga aral naman akong natutunan,

sa nakalipas na kahapon na inaalala, naalala KO ang aking pagtala ng ABAKADA, na nag babakasakaling maitama ko 

A,E,I,O,U  ang mga letrang bumubuo sa salita,
na kapag wala sila walang mabubuong isa 
gaya  ng 1,2,3,4,5,6  pag may Hindi na
natapos na isa Hindi na makakamit ang sekondarya

sa sobrang haba ng pag kabata,
sa wakas natapos KO na ang isang kabanata,naalala KO pa ang pagsambit KO ng panata,at ngayon ay gagawa na ako ng mga bagong alaala

sa tuwing maaalala at sa tuwing makikita,yung mga masasayang bata,na tuwing kakanta kasama ang iba,Hindi man lang nahihiya at doon ako'y nasisiyahan na

mahirap man sa umpisa,
ngunit sabi nga nila,
pag may tiyaga may nilaga,
pero sa wakas matatanggap ko na ang diplomang aking hangad.

Sa wakas
ito ung mga katagang tumatak saking isipan,
nang bangitin na ka unting araw na lamang diploma'y makakamtan na

alaala sa elementarya,
walang makakabura nino man,
pag kanta ng awiting pambata,
Hindi makakalimutan balang araw ,
mga panahon na puno ng kasiyahan,
Hindi kukupas balang araw

ito ang araw na ating pinakahihintay , ang katuparan ng ating masidhing pangarap na matapos ang ating puspusang pagpupunyagi sa pag aaral.

mga hirap na ating naranasan upang matapos nation ang anim na taon sa piling ng ating mga kaibigan, kapwa mag aaral at mga gurom

Sa wakas,
aming pag iisip ay nahasa na,
aming ugali ay nag bago na,
aming pag kilos ay maayos na,
at higit sa lahat mga taon na iginugol sa elementarya ay tapos na,
        

                              SA WAKAS!



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 14, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

paalamWhere stories live. Discover now