The Guy I Just Met on Wattpad

789 72 83
                                    

Happy February 14, guys!

Hope your Valentine's day went well. (。♥‿♥。)

Note: Inspired by a TRUE STORY.

_________________________________________________

Dahil unang araw ng 2014 ngayon, heto ako at ngangabels sa kwarto.

Simula kasi nung lokohin ako nung leche kong ex- boyfriend eh binawasan ko na rin ang social life at mas nag focus nalang ako dito sa Wattpad. Oo, naging miserable talaga ako dati pero masaya na ako ngayon kasi masasabi ko namang naka move on na ako sa kanya.

Paano ko ba makakamit ang happy ever after na pangarap ko kung ngayon eh hindi na ako naniniwala sa salitang FOREVER?

Yui Nicole dela Fuente. Ang nasa likod ng lahat ng mga paniniwalang ito.

Call me either Yui or Nicole dahil isa akong GGSP. As in Gandang Ganda Sa Pangalan. 15 years old at aminadong addict sa site na Wattpad.

"Wattpad over boys and fictional character over guys."

Yan ang naging motto ko sa buhay mula nung niloko ako nung ex boyfriend ko.

Nakatunganga ako ngayon sa harap ng laptop. Teka at makapag status muna nga sa Wattpad. "Happy New Year, guys! Enjoy!"  Yan. Pwede na yan.

Nagulat naman ako ng ilang sandali lang ay may nag post sa MB ko.

"Happy New Year Miss. Nagpaputok ba kayo ngayong Bagong Taon?"

Ngayon ko lang nakita ang username ng guy wattpader na ito at hindi talaga siya pamilyar pero nagreply pa rin naman ako.

"Hi there! Well, yes. Nagpaputok ako pero safe naman."

Wala pa yatang dalawang minuto eh nakapagreply na agad siya.

"Is that so? Good. Ako kasi hindi. Kasi kapag nakikita kita? Sumasabog na agad tong puso ko." 

Natawa na lang ako ng palihim sa sinabi niya.

Nagpatuloy lang kami ng pagpapalitan ng post sa MB ng isa't isa.

"Hahaha, naks. Makabanat."

"Syempre. By the way, I'm Andrew."

"Nicole. And Happy New Year nga pala."

"I'll just call you Niky. And have a Happy New Year too."

Nalaman ko na high school student siya sa US at doon din nakatira ang family nila. Ka age ko lang rin at isang dakilang bookworm at reader dito sa Wattpad.

Napangiti naman ako ng magawi ang tingin ko sa picture niya. Ang manly kasi ng dating at mahahalata mong may maipagmamalaki sa physical features pati na rin mukhang mabait pa.

Sa buong araw ng January 1, si Andrew lang ang halos nakausap ko at sa PM na namin itinuloy ang lahat ng convo.

~~~

Mabilis na lumipas ang mga linggo at lalo pa kaming naging close ni Andrew.

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at as usual, wala na naman akong magawa. Kaya syempre, ano pa bang bago? Hahaha! Sige Yui! Bukas ulit ng Wattpad!

Click ng Discover

Click ng What's New

Scroll..

Scroll...

Scroll...

In love with a Wattpad Famous (One Shot)                  

In love with a Wattpad Famous (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon