mga kwentong katatakutan true story

1.6K 9 3
                                    

# 1 SANTO NINO!!!!!!

Pumasok na ako na school ko nung grade 1 palang ako.

Sa bacood elem. sch.

Naririnig ko yung mga kaklase kong nagkwekwentuhan tungkol sa HELE building.

Nakakatakot yung pinagkwekwentuhan nila. tungkol raw sa santo nino sa hele building.

Hanggang isang araw, ay nagpraktis kami ng sayaw sa hele building, naalala ko yung pinagkwekwentuhan ng mga kaklase ko, pero hindi naman ako naniniwala doon.

Umakyat kaming tatlo ng kaklase ko doon sa hele building. Puro patay na pusa, ang baho!!!

Nagkwekwentuhan kami sa hele building, nagulat na lang akmi ng kaklase ko na may santo nino na pala sa likod namin.

Lumipat nalang kami ng pwesto para doon nalang kami magkwentuhan,

Pagkatingin namin uli sa likod namin ay santo nino ulit!! "Mukhang sinusundan tayo ng santo nino na yan lumipat nalang ulit tayo"  sabi ng kasama ko. Aaminin ko natatakot ako nun,.........

Habang nagkwekwentuhan kami ay may nambatok sa amin. ang sakit kaya nun. Binatokan ulit kami, hindi namin alam kung sino yun. Sumigaw kaming tatlo. Nakita na naman namin yung santo nino.

Sa ngayon, ay umiiyak ito ng dugo!! Naisip ko na baka ginagamit lamg siya ng multo. sigawan kaming tatlo. Tumakbo kami pababa at sa daanan namin ay may nabasag na vase. pero patuloy kamI ng takbo. Hay, sa mabuti ay nakalabas na rin kami. pero hindi ko talaga malimutan iyon, sa tuwing makakakita ako ng santo nino ay parang naaalala ko na naman yung nangyari.

_____________________________________________________________________________

A/N : totoo pong nangyari iyun. grabe muntik na nga akong mapaihi nun eh

mga kwentong katatakutan :true storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon