How It Started :3

6.1K 110 57
                                    

 

(A/N -- ang author nito ay adik sa anime at manga. 

wahahaha. kaw din? Ayieee marami na tayo haha.)

--------------------------------------------------------

Nyaaah. Kanina pa ko dito >.<

Nanginginig na mga paa ko at pinagpapawisan na din noo ko.

Si ate kasi eh, ba’t ba kasi ako pa kailangan magbigay nitong homemade chocolate na gawa namin. Ang worst pa sa guy ko daw ibigay. Nyay. Baka wala din naming tumanggap nito.

Eh bata lang kaya ako. 13 yrs. pa ko ohhh .. Ate Lyrie talaga ohh.

Im Kyrie Villa. Cute daw po ako sabi ng mama at papa ko (n.n)

Pero sabi ni Ate Lyrie maganda daw ako. Ayiieee, di palang daw halata kasi bata pa ako.

Si ate Lyrie po ay kapatid ko, kaka -15 yrs. old niya lang. Ayaw niya na tinatawag na Ate Ly dapat daw Oneechan Rai. Kasi naman po yung ate ko adik sa anime. Sabi niya otaku daw po siya kaya naman nagjajapanese yun tas ginagaya talaga yung mga napapanuod nya sa anime at nababasa sa manga.

Mahilig din po ako dun kaso mas level up yung ate ko sa ganun. Dahil nga sa kanya ako nahilig din ako eh. Kaso di ko masyado naiintindihan eh. Siguro pagmalaki na ko magiging gaya din ako ni ate. Yeheey.

Hmm .. diba nga anime otaku si ate? Kaya nga andito ako ngayon ehh .. ay tama, nasa park po ako ngayon. Kanina pa ako dito.  Favor niya to eh. Sabi niya ako nalang daw magbigay ng homemade chocolate na gawa namin sa isang lalaki kasi Valentines ngayon. Tama po, Feb. 14 today. Actually birthday din ni ate ayy oneechan pala eh kaya nga pinagbigyan ko na din siya. Yearly niya daw to ginagawa, yung pumupunta sa park tas mamimigay ng homemade chocolate niya. Sabe niya obligation daw yun sa isang anime lover kasi halos yung napapanuod niya  yung mga bidang babae daw nagbibigay ng homemade chocolate kaya dapat ganun din sya.

Haay. Kahit bata pa lang ako nahihiya pa din ako no. Kanina pa akong 8am ditto, halos 10am na din. Bilin niya dapat yung bigayn ko daw nakablack. Favorite color niya kasi yun tsaka dapat medyo kaedad ko lang din daw.

Sinisway ko nalang yung paa ko. Nakakangawit din kasi umupo lang sa bench ehh.

"Uwaah.. natutunaw nga pala yung chocolate kaya dapat mabigay ko na to."

Anime Otaku's NotebookTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon