Prologue

40 9 1
                                    

Elron.

"Wib, bakit? Kapalit - palit ba ako? Pangit ba ako? Anong lamang ng Giovanni na yun sa akin ha? Huhuhuhu".  Iyak ni Leyanna. Hays, Niloko na naman siya ng bagong Boyfriend nya.

At ito naman ako, Nagbibigay ng mga Advice sa kanya. Hays, Lagi na lang kasi itong iniiwan e, Walang sumeseryoso sa kanyang lalake. Lahat ng Naging "BoyFriend nya" Pinaasa lang sya. Tsk, kung hindi ko lang talaga to BestFriend. Nagtaka kayo kung bakit WIB Tawag nya sa akin noh? Ibig sabihin kasi niyan, "Walang Iwanan BestFriend" Corny man pero Mahal na mahal ko tong bestfriend ko.

"Wib naman, sinabi ko naman sa yo e , sa simula't sapul pa lang. Lolokohin ka lang niyan. Kung ako sayo, Hihintayin ko yung tamang para sa akin talaga. Kasi masyadong kang nag mamadali sa pag - ibig. E andito naman akong Bestfriend mo, Wag ka ng umiyak... Maganda ka sadyang di lang sya marunong makuntento. At huwag kang mag isip na walang nag mamahal sayo. Andito ako, Si Tita, Tito at Geyser. Andito kaming nag mamahal sayo". Sabi ko.

Napatingin naman sya sa akin. Ngumiti sya ng Konti.

"Ito talaga, makakalimutan mo rin siya. Libre na lang kita ng sangkaterbang pizza roll, Ano sama ka? Aya ko kay Leyanna

Nakatingin lang sya sa akin. As in walang kurapan.

" Ay ayaw mo ata e, sige. Iba na lang isasama ko". Papaalis na ako ng bigla syang tumawag.

" May sinabi ba akong, Ayaw ko? Tss. Sasama ko, Pizza Roll pinag uusapan e. Tara na. " at hinila nya ako at mabilis tumakbo akala mo hinahabol ng aso sa bilis e, Akala mo mauubusan. Hahahaha Dejk lang.

( Canteen)

Dala dala ko na ang dalawang tray na puro laman lang ay Pizza Roll. Nako, kapag Pizza Roll ang pinag uusapan. Walang patawad tong babae na to e.

"Wib ito na oh". Sabi ko sabay baba ko ng dalawang tray. Juice lang inorder ko e. Hiyang hiya yung bulsa ko sa laki ng nagastos ko sa Pizza Roll ni Wib, Pero okay lang. Mapasaya ko lang sya, Masaya na rin ako.

Habang umiinom ako ng juice, Napatingin ako kay Wib na Kumakain. Pero nakatingin sya sa akin. Kanina pa to e, kung hindi ko to kilala, iisipin ko na crush ako neto. Hahahaha

" Oy Wib, kanina ka pa ganyang makatingin ah? Baka mainlab ka sa akin". Biro ko
At Biglang may Evil Smile na gumuhit sa labi niya. Ano nanaman ting iniisip ng babaeng to.

"Wib, Subukan kaya nating maging tayo". Sabi nya na biglang Ikinagulat ko, Halos mabuga ko na sa kanya yung juice na iniinom ko.

"Wib!!!!!! Subukan mo lang ibuga sa akin". Dagdag pa niya.

Sino bang hindi magugulat? Kung ganon ang sasabihin diba? Remember, Bestfriend ko sya. Pero bakit ang bilis ng Kabog ng puso ko. Hindi... Hindi Pwede.

"Wib, ano kasi... ano". Di ko masabi.

"Ano??!". Tanong nya.

"Ano kasi, ano, Hindi ko kaya". Saad ko. Ang ngiti mula sa kanyag labi ay biglang napawi.

"Sabi ko na nga ba, Walang talagang magmamahal sa akin. Bakit? Panget ba ako?  Panlabas na anyo na lang ba ang basehan kung sino mamahalin mo ha? ". Luha. Tumulo ang kanyang luha mula sa kanyang mata.

"Hindi naman sa ganon Wib, Ang sa akin lang, Bakit? Tsaka ang gulo. Tsaka ang bilis naman ata. Tsaka alam mo namang ayoko sa mga ganyang ganyan.". sabi ko.  Tsaka kung ilalarawan ako, hindi ako yung  normal na lalake na Hayahay lang ang buhay. Sige na nga mag papakilala na ako

Ako si Elton Entloa, Isang Nerd. Nagsisikap na mag aral ng mabuti. Libro lang ang laging hawak. Laging nasa Library. At bestfriend ni Leyana. At pinakuli Isang Lalaking Takot Umibig. Umibig? Kasi para sa akin,yun yung kahinaan ko. Natatakot ako masaktan na babaeng mamahalin pagdating sa future.

At si Leyanna naman, Bestfriend ko. Mabait. Mayaman. Matalino rin naman. Madaling Umibig. Pero pagdating sa huli iniiwan sya kasi hindi naman talaga sya minahal kaya lang sya pinatulan kasi mapera sya.

"Pero Wib, ikaw na rin maysabi takot ka magmahal. Edi sa pamamagitan neto. Magiging practice na sayo to. Kapag nahanap mo na ang babaeng mahal mo. Wag kang maalala No strings attached to. Ang gagawin lang natin, Haharap lang tayo sa publiko na mag gf and bf tsaka hhww, yakap, kiss sa cheeks at hanggang dun lang. Wag kang mag alala pag di  mo na kaya pwede naman nating itigil. Lets just say practice na to para sa magiging relationship natin sa future. Okay so Deal? Pleaseee Wib?" Pakiusap nya.

"Hays, ano pa bang magagawa ko? Deal". Naaawa rin ako sa bestfriend ko. Tsaka baka tama sya dito ko masusubukan ang tapat kong pagmamahal para sa babaeng iibigin ko sa Future.

Niyakap ako ni Leyanna. Nako jusq. Kakayanin ko kaya? Pero seryoso ang lakas ng kabog ng dibdib ko.Di ko alam kung bakit? I guess Goodluck to me. Sana makayanan namin to. Aja!

A/N : So, Hello readers!!! Bago lang po ako ditong author so Sana magustuhan niyo tong story na to. And For your info. This story is not base on my experience. Base ito sa mga nakilala kong tao. I hope mabasa nyo to until the end. Samahan niyo kong matapos hanggag dulo.

Love,
That_BishEla 😘❤

Vote. and Comment!

All I Ask [On - Going]Where stories live. Discover now