Panimula

5 0 0
                                    

Dahil sa isang pinunong tuso at mapanlinlang.

Isang kaharian ang sinalakay at napabagsak.

Mga kabataang pinagkaitan ng kalayaan.

Paano pa makakalabas kung inilagak sa kulungan?

Ni hindi masilayan ang araw, hindi makita ang maaliwalas na kalangitan.

O kahit maramdaman, dampi ng masaganang ulan.

Masangsang na amoy at mainit na haplos ng hangin ang pinagtitiisan. Hanggang sa ito'y kanila na lamang kinagisnan.

Ano pang magagawa kung ilang taon na simula nang sila'y ikulong subalit mukhang sila'y nakalimutan na.

Hanggang sa isang araw, nagbago ang lahat ng aming kapalaran.

Aria ang aking ngalan. Hindi ko alam kung ikaw ba ay aking dapat pasalamatan.

Matangkad. Matipuno. Kagalang-galang ang tindig. Ngunit mabagsik ang mga mata. Nakakatakot din ang aura na nakapalibot sa kaniya.

Oo nga at nailabas mo kami mula sa kinasasadlakang kulungan.

Ngunit hindi ko alam kung ano ang aming magiging kapalaran sa ilalim ng mga kamay mong batid kong marami nang napatay.

At nais kong malaman. Ang mga nagtatagong sikreto sa kabila ng mga mata mong puno ng misteryo.

Racchus. Prinsipe Racchus.

Sisiguraduhin ko. Pagbabayarin ko kayo sa lahat ng mga kasalanan niyo sa aming angkan.

Sa ngalan ng aming kaharian, kaharian ng Meneses, ako si Aria, ikatatlumpung prinsesa, bilang anak ni Haring Garar at Reyna Cerna, maghihiganti ako sa kahit anong paraan.

Mas masakit kaysa sa pagkakakait ng aming kalayaan. Mas masakit kaysa nang makita mismo ng aming mga mata ang pagpatay sa aming mga magulang.

At sa'yo Racchus, sa'yo ako magsisimula.

PagsukoWhere stories live. Discover now