Pa-tira Nga! (ONESHOT)

14.4K 421 142
                                    

Copyright © 2014 Yeppeun

Pa-tira Nga! | One Shot Story

FACEBOOK GROUP: http://www.facebook.com/groups/IstoryaheNiBlesie

***

"Kailey! Pa-tira nga! Kahit isa lang beses lang."

Biglang nag pintig ang tainga ko sa narinig ko. Simple kong pinause ang nilalaro ko sa tablet na dala ko saka ko ito inilapag sa desk ko. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at nilingunan ang sumigaw mula sa likod ko. Bumungad sa akin ang lalaking naka ngisi habang tumataas pa ng salitan ang mag kabilang kilay nito, medyo na alibadbaran ako sa gulo-gulo niyang buhok akala naman niya ikinapogi niya 'yon.

"Pa-tira ako Kailey." mas lalong nag pintig ang tainga ko sa muling pag salita niya, idagdag pa ang pag ngisi niya sa harap ko ang sarap hambalusin ng lalaking ito!!

"Wala! Lowbat na!" inirapan ko siya at muling umupo sa upuan ko.

Narinig kong tumawa siya habang umaalis sa kinaroroonan niya. Simula noong nakaraang buwan na pinahiram ko siya ng tablet ko araw-araw na niyang hinihiram ito, bwisit na bwisit ako dahil tuwing bumabalik sa akin lowbat na! Hindi ko naman close si Tyrone typical na blockmate ko lang siya, feeling close lang talaga siya sa akin at sa sobrang feeling close niya ang sarap na niyang patayin!

Tuwing sinasabi niyang 'pa-tira nga' na bubwisit ako! Kung minsan hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin doon, dahil likas na berde talaga ako sa kadahilanang na impluwensyahan ako ng mga blockmate ko iba ang naiisip ko sa tuwing sinasabi niya sa akin ang salitang 'yon.

Puro kasi pa-tira! Hindi niya diretsyahan sabihin na palaro siya sa tablet ko! Akala ko ibang-iba ang highschool sa pagiging college pero depende pala sa sitwasyon, dahil sa punyetang si Tyrone feeling niya siguro highschool pa rin siya! Bwisit talaga hindi 'man lang mag matured! Gwapo na sana siya idagdag pa ang pagiging matangkad niya at maputi pero nakakaturn-off dahil sa pagiging aning niya at sa pesteng magulo niyang buhok!

***

"Kailey! Ako ng tatapos sa laro na 'yan! Pa-tira nga!"

Dahil sa pag sigaw niya bigla akong nadead sa pag lalaro ng minion rush! Tangina! Sa araw-araw na ginawa ng Diyos lagi na lang siyang ganito!

"Bwisit ka Tyrone!! Tangina mo!" sigaw ko sa kanya habang marahas siyang hinahampas ng tablet ko, wala na akong paki kung masira ito basta bwisit siya!! Ang layo na ng narating ko at ang taas-taas na ng score ko.. Tapos siya lang itong maninira ng lahat?! Aba bwisit talaga!

"Teka Kailey! Kalma ka lang!" sigaw niya habang tumatawa at hinaharang ng kamay niya ang pag hampas ko.

Bigla akong natigilan nang marinig kong nag 'ayie' ang mga blockmate ko. Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi siya na tinag mas lalo lang siyang ngumisi at tumawa. Muli ko siyang pinag-hahampas ng tablet ko na parang mas lalo pa niyang ikinasaya.

"Bakit ba galit na galit ka sa akin!?" singhal niya sa harap ko nang hininto ko ang pag hampas sa kanya ng tablet ko. Inirapan ko siya at hindi pinansin.

Muli akong nag laro sa kinauupuan ko at pilit binabaliwala ang pag-aasar ng mga blockmate namin.

Nanatili lang siyang naka upo sa harap ko at nararamdaman ko ang pag titig niya sa akin. "Pa-tira na kasi Kailey." nag bingi-bingihan na lang ako at nag patuloy sa pag lalaro sa tablet ko.

Sa dinami-dami ba naman ng word na pwede niyang sabihin punyeta! Bakit kasi pa-tira pa!?

Maya-maya pa'y may dumating ng prof sa classroom namin kaya bumalik na siya sa talagang upuan niya. Itinago ko na ang tablet sa bag ko at nakinig sa itinuturo ng Prof namin. Math1 ang subject namin ngayon at dahil sa dakilang mahal na mahal ko ang Math tinulugan ko na lang ito, hindi naman ako mapapansin dahil sa bag na naka harang sa tapat ko.

***

"Tirahin mo na! Ayan! Matatalo mo na siya!!"

Bigla akong nagising sa ingay na naririnig ko. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko upang tignan kung sino ang nag sisigawan sa harap ko. Bumungad sa akin ang nag kukumpulan kong blockmates sa harap ko.

Hinawakan ko ang bag ko at napansin kong gumaan ito. Naramdaman kong nag taasan lahat ng dugo sa mukha ko. Tangina!

"Tyrone!!!" buong lakas kong sigaw habang tumatayo sa kinauupuan ko.

Nag sitahimik lahat ng tao dito sa loob ng classroom pati yata ang dumadaan sa corridor napatigil dahil sa lakas ng boses ko. Punyetang Tyrone! Malolowbat na naman ang tablet ko!

"Ano ba 'yan Kailey! Nadead tuloy ako! Bwisit naman!" singhal niya habang nag sisialisan ang mga ibang blockmate namin sa paligid niya.

Sa sobrang galit ko napapakuyom na ako ng kamao. Bwisit ka talaga Tyrone!!

"Peste ka! Walangya! Tangina mo! Bwisit!!" sigaw ko habang sinusugod siya ng pag sipa sa paa at pag suntok sa braso niya.

Naririnig kong tumatawa lang siya habang umiilag sa pag sipa at suntok ko sa kanya. "Saglit lang Kailey! Pa-tira lang naman ang damot mo!" natatawang singhal niya pero hindi ko siya pinansin at mas lalo ko pang nilakasan ang pag sipa at pag suntok sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit bwisit na bwisit ako dito kay Tyrone. Para bang kapag nakikita ko siya ang sarap niyang sampal-sampalin at patayin!

"Teka Kailey! Mag tigil ka nga!" hindi ko siya pinansin. "Aray ko! Naka kinseng suntok at sampung sipa ka na! Isa pang suntok mo kapalit niyan halik ko!" bigla akong natigilan sa pag suntok at sipa ko sa kanya.

Mariin ko siyang tinitigan at sumilay na naman ang pag ngisi niya. Napansin kong ibinaba niya ang tablet ko sa desk na nasa kanan niya, bahagya akong napatitig sa mga mata niya.

"Takot ka 'no?" ngising tanong niya sa akin habang humakbang pasulong.

Sa bawat pag hakbang niya napapa-atras ako, sa mga sandaling ito hindi ko maintindihan kung bakit napapatitig ako sa mga mata niya at hindi ko 'man lang maiwas ang tingin ko!

Aatras na sana ako nang maramdaman kong wala na akong aatrasan! Peste naman!

"Kailey, pa-tira nga." muli siyang humakbang at bigla akong napaupo sa upuan na nasa likod ko.

Nanatili lang ako naka titig sa kanya habang naka titig lang din siya sa akin. Bahagya siyang yumuko at tinungkod ang kamay niya sa desk ko.

Halos isang dangkal lang yata ang pagitan ng mga mukha namin sa isa't-isa. Naaamoy ko na ang hininga niya. Putek naman oh! Bakit ayaw makisama ng sistema ng buong katawan ko!?

"Hindi ko naman talaga gustong hiramin ang tablet mo, iba yata ang pagkakaintindi mo sa pa-tira na sinasabi ko." mahinang usal niya sa harap ko.

Habang lumalapit ang mukha niya inilalayo ko naman ang mukha ko. Sunod-sunod na akong napapabuntong hininga.

"Iba kasi ang kahulugan ng sinasabi ko." bigla siyang ngumisi at umalis sa harap ko.

Nagulat ako sa ginawa niya, hindi niya ako hahalikan?! Aba peste!!

Pero mas nagulat ako sa pag kuha niya ng tablet ko at parang may sinusulat siya dito.

Ilang segundo pang lumipas nang muli siyang tumingin sa akin na mas lalo pang lumalawak ang pag ngisi sa labi niya.

"Pa-tira nga!"

Bigla niyang tinapat sa mukha niya ang tablet ko. Napakunot ang noo ko at binasa ang naka sulat doon.

"Diyan sa puso mo kahit isang beses lang." basa ko sa naka sulat sa tablet ko.

Muli kong binasa 'yon nang paulit-ulit at halos nanlalaki na ang mga ko sa sobrang gulat!

Tatayo na sana ako mula sa pag kakaupo nang biglang nag lakad ng bahagya si Tyrone sa akin at itinapat na naman ang mukha niya sa mukha ko.

"Pa-tira nga, pwede ba?" ngising usal niya at kinindatan pa ako.

Bigla ko siyang sinipa sa paa niya ng malakas. "Bwisit ka----" napatigil ako sa pag sasalita nang maramdaman kong may naka dampi na labi sa labi ko.

"Sabi ko naman kasi sayo kapag sinuntok o sinipa mo ulit ako hahalikan na kita."

At muli na naman niya akong hinalikan sa labi ko.

Pa-tira Nga! (ONESHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon