Prologue

14 0 0
                                    

"Krystal? Idala mo nga yung gitara mo this afternoon," sabi ni Aliya, classmate ko. Kailangan kasi namin mag-compose ng kanta para sa midterm namin. 





"Uhm, h'wag nalang siguro. Hihiramin lang ng iba yun eh. Baka masira agad," protesta ko. Mahirap naman kasi kung masisira yun agad kakabili ko lang nun eh. 





"Sige na, pleaaaaaaase. Kailangan talaga natin yun para mas madali tayong makakapag-compose," pangungulit niya.





"Sige na nga," pagpayag ko. Hindi naman siguro yun masisira agad. Hindi nalang ako magpapahiram para safe.





"Waaaah! Thank you! Thank you! Matinong usapan yan ah!" napatakip ako ng tenga kasi ang tinis ng tili niya.





Umalis na siya at nagtatatakbo palabas ng campus. Naglakad na din ako palabas dahil lunch time naman na. Gusto ko ng umuwi.





*Bogsh*





Araaaaay! Yung pwet ko! HUHUHUHU!





May nakabangga sakin at sa sobrang lakas ng impact ay tumalsik at napaupo ako. Hindi ako makatayo! Huhu! Hindi pwede 'to.





"Ay, miss sorry 'di ko sinasadya," sabi ng lalaking nakabunggo sa akin at naglahad siya ng kamay.





"Okay lang," sabay ngumiti ako at tumango naman siya. Nagdiretso na ako palabas ng school kahit na ba ramdam ko pa din yung sakit ng pwet ko. Hayst.





Oo nga pala! Napalingon ako sa likod ko para matanaw kung nandun pa din ba yung lalaking nakabunggo sakin pero wala na siya.





Hindi ko man lang naitanong yung pangalan niya.


---------


Parang Wala LangWhere stories live. Discover now