Chapter 29

293K 3.8K 92
                                    

Ria’s POV

                It’s been days since I had that conversation with Chris. I honestly don’t know how I could have said those things. I asked for time and space from him and he gave it immediately. Naggawa niya talagang ibigay ang hinihiling ko, pero, ba’t hindi ako masaya? Heto na nga ang hinihintay ko diba? Ang oras na makapag-isip? Pero ba’t hindi ako masaya? Ni hindi ako mapakali. Paano na lang kung susukuan na nga niya ako?

                Nasa may dagat ako. Mabuti na lang at nahanap ni Chris tong lugar na to? It would’ve been the perfect place to spend some time together but here I am alone. Nilapitan ako ng isa sa mga maid ng resthouse. I wonder how he could’ve found someone to clean the place up so quickly. “Miss Ria, magmeyenda ho muna kayo,” alok niya sa akin habang tinuturo niya yung pagkain sa may lamesa.

                Tinanguan ko lang siya. Kusa rin siyang naglakad palayo. “May, sandali,” sabi ko. Halatang nagtaka siya bigla kong pagpigil sa kanya. Nasanay na siguro siya at iba pang mga nagtatrabaho ditto na tinatanguan ko lang. Di kasi ako masyado nagsasalita dahil nga depressed pa ako. “Di pa rin ba nakakabalik si Chris?” tanong ko. Umiling lang siya at halata rin sa mga mata niya ang pagkaawa sa akin. Miminsan na nga lang ako magsasalita at yun lang ang palaging lumalabas sa aking bibig. Ang magtanong kung nasaan na ang asawa ko. “Wala ba siyang sinabi kung kailan siya babalik o hindi ba siya tumatawag?” umiling ulit siya.

                “Sorry po Miss, pero wala po siyang nasasabi. Kung tumatawag naman po siya, kinakamusta niya lang po kayo at tinatanong kung iniinom niyo pa po ba ang vitamins niyo pero binababa po niya agad. Sinasabi po namin na hintayin na ikw mismo ang kausapin niya pero di po siya pumapayag,” naaawang sagot ni May. Tumango na lang ako at ngumiti ng mapait.

                Umupo ako sa silyang katabi ng mesa at nagsimulang kumain. Naubos ko rin agad ang hinandang pagkain. Hindi naman ako masyadong gutom pero pinilit kong kumain. Kakaunti na lang kasi talaga ang kinakain ko nitong mga nakaraang araw dahil sa pinagdadaanan naming mag-asawa.

                Nakatanga lang akong nakatitig sa dagat. Ni hindi ko na napansin na may nagligpit na ng pinagkainan ko. Damn, I’m probably on the verge of a mental breakdown.

                Di ko na napigilan. Bigla na lang akong napahagulgol ng mahina. I don’t know what else to do. It’s been days and Chris hasn’t even called me. Is this it? Are we really over? I hastily wiped my tears. Baka may makakita pa sa akin. Pagkamalan pa akong sira.

                Bumalik ang tingin ko sa dagat. Hinimas himas ko ang tiyan ko habang iniisip kung anong maaaring mangyari. At least di niya pababayaan ang baby namin. Di ko naman kasi masisisi si Chris kung sakaling titigil na siya sa pangungumbinsi sa akin na magkabalikan na kami. Ni hindi nga rin siguro ako kung mabibigla kung sakaling uuwi ako sa condo at may annulment papers na naghihintay ng pirma ko.

                Patuloy lang ang mga luha ko sa pagtulo. Di ko na pinigilan. What's the point anyway? I didn’t realize crying was tiring. I just fell asleep with tear rolling down my face.

Chris’ POV

                Di ko mapigilan sarili ko. I just have to know how Ria is doing. One week without seeing me is enough time and space right? Di ko na kasi talaga kaya eh. Malapit ng maggabi ng makarating ako sa resthouse. Di naman ako lumayo nung iniwan ko si Ria. Nasa resort lang ako ni Jake. Umuwi na rin ang iba since wala naman daw silang ginagawa.

                Nakita ko si May na isa sa mga katulong na nagwawalis. “May…” sabi ko para makuha ang atensyon niya. Napatingala naman siya nang makita sinong tumatawag sa kanya. “Alam mo ba kung nasaan asawa ko?” her eyes turns accusatory upon hearing my voice. Ano bang mali sa sinabi ko?

His WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon