Wakas

38 9 0
                                    

Tapos na, tapos na,
Tapos na ang unos,
Tapos na ang lumang kalungkutan.
Wakas, katapusan,
ngunit ano nga ba ang tunay na kahulugan?
Mga minamahal kong kaibigan,
nakalagpas ka na sa isang pagsubok,
natanggap na ang kamalian,
ngunit sa hulihan sarili mo
ay patuloy mo pa rin kinamumuhian,
ang sakit ng nakaraan.
Kontento ka pa ba para sa kinabukasan?
Ang dulo nito ang magwawakas ng masamang kalooban.

Wakas, dulo ng lahat,
katapusan ngunit meron pa
ring luha sa 'yong mga mata.
Pawiin. Punasan.
Tama na, 'di ka pa ba sawa sa
paghihirap ng 'yong puso't damdamin?
Natatakot ka pa rin,
wala na, tapos na
ngunit ang anino pa rin ng unos ay nananatili.

Lagi mong itatatak
ang kasalukuyan ay ating tinatahak.
At ang landas ng buhay ay ating haharapin.
Andyan mga matatamis na karanasan,
ang bawat ngiti at halakhakan
mananatili sa 'yong puso't isipan.
Hanggang sa wa maiilaw na parol puno ng pangarap.
Aalahanin, andyan lagi ang pag-asa sa wakas,
inaasam at hinihintay na lakas.

Ngayon kaibigan, isang tanong na lamang,
wakas na, hindi pa ba gigising
sa bangungot ang iyong puso't kaluluwa?

Arcane IslandWhere stories live. Discover now