Palibhasa Matalino [One-shot]

16.5K 288 129
                                    

Palibhasa Matalino 

"Okay Ma'am." Buong lakas kong sabi at tsaka huminga ng malalim na parang handa ng ipatapon sa labanan. More like, para akong pupugutan.

(c)sheisDaisylyn

-

"Mr. Haleco! Ano na naman ba yang kalokohang ginagawa mo dyan sa likuran?" Pasigaw na pagtatanong ng guro naming kanina pa naiinis dahil sa ingay ng klase.

Lumingon naman ako sa likuran dahil nga nasa harapan ako. Kapag nasa harapan, mas maraming matututunan. Kahit kelan naman talaga si Light, pasaway! Nakakainis! Panira ng discussion.

Saktong pagtingin ko sa likuran sakanila ay kumindat siya sa akin. Napa-iwas ako ng tingin. Kilabot. Kilabot ang nararandaman ko. Napaka-antipatiko!

Narinig ko naman ang malakas na pag ngisi niya at patuloy pa rin sa pagkwekwentuhan kasama ng iba pang mga kaklase kong pasaway na tila'y isinawalang-bahala ang pagtawag sakanya ng aming guro. Humarap na ako kay Sir na hindi na maitago ang pagka-inis sa ingay.

"MR.  LIGHT HALECO OUT!" Tumahimik ang klase ng napasigaw ang aming guro.

Napalunok ako. Tumalikod ako para makita ang magiging ekspresyon ng mukha ni Light, pati yung mga ka-row ko ay napatingin na gulat ang mga mata, pero blangko lang ang mukha niya tsaka tumayo paalis ng klase.

"Hindi ko na aasahang gragraduate yang batang yan" Sabi ni Sir na alam ko namang narinig yun ni Light. Kaya napatigil siya sa paglakad palabas ng room pero walang ano-ano ay nagpatuloy siya sa paglakad palabas.

-

"Ma'am eh marami pa akong requirements na kailangang gawin! Tapos mag-oorganize pa kami ng Senior Officers para doon sa documentary ng 4th years tapos Ma'am kakausapin pa pala namin yung gumagawa ng Yearbook-" Naudlot ang pagrereklamo ko ng magsalita si Ma'am. Nakakataas naman ng blood pressure tong balitang to oh!

"Pine Suarez, marami naman kayo sa Senior Club para pagtulungan ang tungkol sa documentary na yan, kayang-kaya niyo yan pagkatapos ng final exam niyo." Mahinhin na paliwanag ni Ma'am sa amin.

"Ma'am eh pano naman daw yung sa Yearbook, matagal din yun Ma'am para makaabot bago graduation." Ayan tama yan Arman, bestfriend talaga kita.

Napaawang naman ang bibig ni Ma'am na parang may sasabihin pero napa-iling na lang ito. Ibig sabihin na ba nito na hindi na ako ang magtututor kay Light? Ibibigay na ba ni Ma'am sa iba tong tutor na to? Kinagat ko ang labi ko ng mariin, nag-aantay ng sasabihin ni Ma'am. Please please, let it be 'yes'.

Napabuntong hininga si Ma'am ng malalim, nakita ko pa ang paghawak niya sa noo at minasahe ito na para bang pagod na pagod.

"Fine, for now." Yes!

Napalabas na kami ni Arman ng faculty na taas-noo. Ang saya kasi parang nanalo kami sa isang debate! O kaya naman ay napaamo namin ang pinaka-mabangis na hayop sa mundo.

"Salamat, Arman!" Pagtapik ko sa braso ng bespren kong bakla na si Arman na binigyan lang ako ng kembot at pagtango ng ulo. 

"Bespren kita eh, di syempre tutulungan kita! Hahaha" Napa-ngiti naman ako sa sinabi ni Arman kaya napagdesisyunan kong ilibre siya. Tutal, uwian naman na din.

"Tara, libre kita ng kwek-kwek your paborits!" Sabi ko ng pakanta, na siya namang inilapad pa lalo ng ngiti ni Arman.

Nakalabas na kami ng school grounds kasi sa labas pa yung bilihan ng kwek-kwek nang makita namin sila Light at ang barkada niya na naka-upo doon sa hand rail ng isang maliit na canteen sa labas ng school. Bakit sa dinami dami ng estudyante dito sa labas ay siya pa mapapansin ko?

Palibhasa Matalino [One-shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon