7: Together.

9.7K 224 34
                                    

This chapter is dedicated to PinkGirl32. Thankyou for reading dear! Salamat din dahil ang kulit mong kachat, kahit saglit lang yun. Haha! Godbless! :*

Wanna meet Jethro? Look at the multimedia section. :)

~~

People who are meant to be together, will always find their way in the end.

Chapter 7: Together.

Sena's POV

Halos hindi na ako makahinga dahil sa halik nya, nung una hindi ako makagalaw at parang wala ako sa sariling nakatayo lang pero unti unti kong narealize kung ano ang nangyayari.

Kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko't gumanti na din ako ng halik.

Mapusok, mainit, at masyadong mapangahas ang mga halik niyon ni Briel. Pero hindi ko itatangging nagugustuhan ko 'yun.

"I love you.. Sena.." Hinihingal na sabi nya saka bumalik ulit sa labi ko para halikan.

"I love you too, Briel.. Mahal kita.. Mahal na mahal kita.." Ganti ko.

Magkadikit ang katawan naming dalawa, ramdam ko pa ang init ng katawan nya, pati ang tibok ng puso nya'y nararamdaman ko din. Nasa likod nya ang kanang kamay ko habang ang kaliwa nama'y nakakapit sa buhok nya.

Unti unti namang gumalaw ang kamay nya, sa tiyan, sa beywang, hanggang sa hita ko paakyat. Hanggang sa..

"Ma'am Sena, ma'am Sena!"

Natigilan kami ng bigla na lang sumigaw ang secretary ko, agad kaming naghiwalay at nagayos ng sarili. At ng makita kong ayos na kami'y lumapit ako sa pinto at binuksan iyon.

"Ano 'yun?"

"Hinahanap po kayo ni Sir Jethro" Sabi nya.

Napatingin ako kay Briel. Biglang nag iba ang itsura nya, parang dumilim yung mukha nya na parang galit.

"Papapasukin ko po ba?" Tanong pa nya kaya mas lalo akong naguluhan.

"Briel?" Wika ko. Hindi sya sumagot, tanging tingin lang ang naiganti nya sakin.

"Huwag na, lalabas na ako" Sabi ko.

Umalis na sya kaya't naiwan muli kaming dalawa ni Briel. Lalabas na sana ako ng bigla nya akong hatakin.

"You are still mine" Sabi nya saka muli akong hinalikan.

Alam kong mali, alam kong bawal, alam kong hindi pwede, pero nung mga panahong 'yun wala akong ibang naisip, walang iba kundi sya.

His RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon