Chapter Seventeen: XoXo

9K 268 19
                                    

(Hesiod Dale's POV)

Pinanood ko si Seb o si Hugo habang papalapit sa akin. Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari. Si Seb ba talaga si H? Magkatitigan pa rin kami nang tumigil siya sa harap ko. Parehong nakapwesto ang phone ng isa't-isa sa kanya-kanyang tenga. Nang matauhan ay binaba ko ang telepono mula sa aking tenga. Gumaya naman siya.

"Ikaw si Hugo?" ang tanong ko. Napatango naman siya.

"At ikaw si Sebastian o Seb in short?" ang sunod kong tanong. Muli siyang napatango.

"Paano nangyari yun?“

"Hugo Sebastian Ollero ang buo kong pangalan" ang pagsisimula niya. "Dati nung drag racer pa ako, H ang tawag nila sa akin. Ngayon ay Seb na."

"Paano mo nalaman na narito ako?" ang sunod kong tanong. Tumawa naman siya sa hindi malamang dahilan.

"Maniniwala ka ba kung sasabihin kong naging stalker mo ako?" ang tanong niya. Napakunot ako ng noo.

"Hindi" ang deretsahan kong tugon.

"Well, somehow.. I did" ang pagtatama niya. Hinintay ko ang paliwanag niya. Nagseryoso naman ang mukha niya at napatingin sa papalubog nang araw. "After you dumped me as H... hindi pa rin ako nakaget-over. So, pinahack ko ang facebook account mo. Nalaman ko na pupunta ka rito kaya pumunta ako to check you out"

"Nagpunta ka rito para tignan lang ako? At wala sa balak mo ang magpakilala" ang komento ko.

"Aaminin ko... nung una oo... pero I was so drawn to you. Hesiod, I really like you" ang sabi niya. Hindi pa rin pumapasok sa aking sistema ang lahat ng nalaman ko. "Hesiod, narito ako dahil sa'yo. Sorry kung hindi ko kaagad nasabi sa'yo"

"Kaya pala lahat ng tao sa paligid natin, binubugaw ka sa akin. Kaya pala kakaiba ang galaw ni Juan David at yun ang dahilqn kung bakit natanggap agad ni Jared ang pakikipagkaibigan ng kapatid mo sa amin"

"I really like you." ang muli niyang pag-amin.

"Well.... I-uh... I like you too" ang pag-amin ko rin. "But-"

"Alam ko... and I'm willing to wait... I want to fix you and your heart" ang sabi niya

"Hindi yun.. Sa tingin ko, okay na ako sa pagkawala ni Jeric." ang pagtatama ko.

"Then, what?"

"Sigurado ka na ba? Ngayon pa lang tayo nagkakilala"

"Sigurado na ako. Noon pa man, as H... may special feelings na ako for you"

Natahimik na lang ako. Madilim na ang paligid ngunit naiilawan na ng mga nagkalat na lantern sa paligid. Napabuntong-hininga na lang ako. Siya si "H". Inalala ko ang litrato niya at narealize nga ang resemblance.

"Hesiod" ang pagbanggit niya sa pangalan ko. Bigla niya akong kinuha palapit sa kanya at yinakap ako ng mahigpit. Hinayaan ko lang naman siyang yakapin ako. "I want to be your forever"

"Hindi naman imposible yun eh" ang sabi ko. "Pero natatakot ako"

"Natatakot saan?" ang tanong niya.

"Na iwan mo rin ako. Na mawala ka rin ng ganun" ang tugon ko. Umiling siya.

"Hindi mangyayari yun." si Seb. "Hindi ko hahayaan na mangyari yun"

Habang yakap-yakap niya ako ay siniil niya ako ng halik. Hinayaan ko lang siya at hinayaan ko rin ang aking safili na halikan siya pabalik. Mula sa mga ulap ng araw ay napalitan na ng mga bituin ng gabi. Ramdam ko na sana ang ginaw na dulot ng hangin ngunit sa bisig ni Seb ay ang init na pumapawi sa lahat. Pagkatapos nun ay mas lalo niya akong kinulong sa bisig niya. Ang mukha ko ay nakasubsob sa dibdib niya samantalang ang ulo niya ay nakapatong sa ulo ko.

"I wish this moment would last forever" ang hiling niya. "Liligawan kita"

"Ha?"

"Seryoso ako. Magseseryoso na ako basta ikaw lang" ang sabi niya. "Ipapakilala kita kay Kuya Santi. He likes you already alam mo ba yun? Naikwento kita eh at natuwa pa nung binasted mo ako"

"Bakit naman?" ang curious kong tanong.

"Kasi I'm a changed person already" ang tugon niya na hindi ko naman naintindihan.

"Pauwi na kami bukas ng umaga" ang sabi ko.

"Kung ganun pati rin kami. Sabi ko naman sa'yo.. narito ako dahil sa'yo"

"Huling gabi na natin to"

"Hindi. Dahil sa susunod. Hindi na tayo magkasama sa isang resort. Kundi sa iisang bubong, kaya araw-araw tayong magkakasama."

"Paano naman mangyayari yan? Magkalayo tayo"

"Dahil gagawa at gagawa ako ng paraan para makasama ka." ang tugon niya. Naramdaman kong nang-init ang mga pisngi ko. Napangiti naman siya at bigla niyang hinalikan ang noo ko.

"Ang cute mo talaga, cutie!" ang sabi niya. Bigla na lang may flashes of light. Napatingin kami sa pinanggalingan. Si Dave at Jared.... kinuhanan kami ng litrato.

"Kahit kailan talaga tong bwisit kong kapatid" ang bulong ni Seb. "Lakas umeksena at panira. Sandali nga.. mataboy lang"

"Pabayaan mo na" ang pagpigil ko. "Masaya lang siya para sa'yo. Na-miss ka ng kapatid mo."

"Alam ko naman yun eh pero sobrang childish" ang paliwanag niya.

"Ilang taon na ba siya?" ang tanong ko.

"Seventeen" ang tugon niya.

"Mas matanda ako ng dalawang taon" ang komento ko. "Si Jared naman mas matanda ng isang taon sa akin"

"But with the two of us, age doesn't matter. Kung tutuusin pwede na tayong magpakasal." ang sabi niya. Natigilan ako sa sinabi niya. Kasal...  "Magpakasal na tayo agad. Wala nang ligaw-ligaw, dun din lang naman ang bagsak"

"Sira." ang natatawa kong tugon.

"Kuya, matagal pa ba yang hug niyo? Nagugutom na ako." Si Dave. "Pwedeng mamaya na ulit pagkatapos mag-dinner?"

"Hay naku.. babatukan ko na talaga yan" ang naiinis na sinabi ni Seb.

"Pagbigyan na natin. Gutom na rin ako" ang suggestion ko. Ngumiti lang naman siya at tumango. Humiwalay siya sa akin.

"Tara" ang yaya niya sa akin. Tumango naman ako. Inakbayan niya ako at nagsimula kaming maglakad

"Kuya, umamin ka na? Kayo na, no? I'm so happy!!" si Dave. "Pati si Kuya Santi matutuwa. Wala nang kakalampog sa gate para hanapin at magmakaawa sa'yo"

"Dave!!" ang suway ni Seb.

"Porque??!!" ang nagugulahang reaksyon ni Juan David. Natawa naman ako sa dalawa. Ang cute talaga nilang dalawa. "Totoo naman eh.. Palagi kayang sinusumbong sa akin ni Kuya Santi."

"Alam ko pero not now!" si Seb sabay tingin sa akin.

"Ooooh, I get it. Nagpapa-good shot ka kay Hesiod" si Dave.

Magkabilang MundoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon