Bestfriend

219 16 10
  • Dedicated kay Andrew Arroyo
                                    

Matalik kitang kaibigan noon pa;

Kasama kita sa lungkot at ligaya;

Tuwa ko'y abo't langit pag kasama ka;

Nais kang matanaw sa tuwi-tuwina;

Hindi namalayang nadarama'y iba na;

Nung una akala ko'y gusto lang kita;

Pilit kong pinigil itong nadarama;

Dahil baka magalit ka't lumayo pa;

Pag nalita kitang may kasamang iba;

Tila ba ako'y hindi makahinga;

Ako nga ba'y nagseselos n sa kanya;

Alam ko na,yun pala mahal na kita;

Talaga bang ika'y minamahal ko na?;

Sa tingin ko'y nadarama'y totoo na;

Ngunit kailangan pa rin itong pigilan;

Baka ako'y mawalan ng kaibigan;

Ako'y sigurado sa nararamdaman;

Na ang puso ko'y ikaw ang nilalaman;

Ngunit sayo'y hindi masabi nanaman;

Baka maglaho ang pagkakaibigan

Oo nga't ngayon ay kapiling kita;

Ngunit isipan mo'y nakatuon sa kanya;

Paano pa ako magiging masaya

Kung ang mahal ko ay may mahal ng iba;

Handa na sana ako na isuko ka;

Ngunit nalaman kong salawahan siya;

Kaya kinalimutan kong asuko ka;

Huwag ka lang mapunta sa katulad niya;

Kahit na puso ko man ay masugatan;

Isip ko ma'y mapuno ng kalituhan;

Ulan ma'y hindi na tumila kaylan man;

Pangako na hindi kita susukuan.

Poem CollectionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon