قصة أصلية لـ واتباد
مازال هناك فصلان (2) مجانيان

Chapter One

359K 6.6K 191
                                    

Hindi na ako nakapasok sa trabaho sa sama ng pakiramdam. Nagsusuka rin ako at mukhang may nakain na masama. Hindi ko rin maalala. Halos hindi na nga ako kumakain.

“Camille!” Nagulat si Trish nang makita ang ayos ko matapos ko siyang pagbuksan ng pinto ng apartment ko. “What happened to you?”

Umiling ako. “I don’t know.” Bumalik ako sa paghiga.

“I brought you groceries.” Isa-isa niyang inilapag ang mga pinamili sa two-seater dining table ko.

“Thanks, Trish.”

Nilapitan niya ako at kinapa ang noo at leeg ko. I heard her sighing. Nanatili lang akong nakahiga sa higaan. “Dalhin na kita sa ospital.”

Maagap akong umiling-iling. “No need.”

I heard her sigh again.

Napangiti ako. I was still blessed to have even one person who genuinely cared about me. Makikilala mo nga talaga ang totoo mong mga kaibigan kapag nanatili pa rin sila kahit pa walang-wala ka na. At sa oras na pinakakailangan mo sila.

I used to be the center of attention. I was spoiled by my parents. I was surrounded by many friends…Na unti-unting nabawasan hanggang sa hindi na nila ako kinausap.

Bumagsak ang business ni Dad noon. Isang araw, wala na siguro siya sa sarili habang nagmamaneho kaya naaksidente siya sa daan that caused his death. Mom mourned heavily. She got depressed and soon followed Dad after committing suicide. They left me. Alone and with nothing.

Hindi na rin ako lumapit sa mga kamag-anak namin dahil alam ko naman na ayaw nila sa akin noon pa man. Lalo na ang relatives ni Mommy.
I was eighteen when I found out the truth about my biological mother who left me with Dad after she gave birth to me. Dad had an affair with another woman while married. Hindi pala talaga si Mommy, o ang asawa ni Dad, ang totoo kong ina. Pero kahit ganoon, minahal niya ako na parang totoong anak. Mas naging ina pa sa akin si Mommy kaysa sa tunay kong ina na hindi ko pa nakikilala hanggang ngayon. Hindi na rin ako umaasa. Ni minsan ay hindi rin naman siya nagpakita sa akin. Ang sabi sa akin ni Dad noong nabubuhay pa siya ay mas pinili raw ng totoo kong ina ang career niya.

Maagap akong bumangon mula sa maliit kong kama at mabilis na tinungo ang banyo para magsuka. Pakiramdam ko ay isinuka ko na pati ang intestines ko. Ang sama talaga ng pakiramdam ko.

Sinundan ako ni Trish sa banyo. “Camille!”

“Okay lang ako,” I assured her and got the face towel para makapagpunas matapos maghilamos.

“Camille.” Seryoso ang tingin sa akin ni Trish.

Binibisita niya ako kapag hindi siya busy. She was a model at madalas na nasa ibang bansa. Palagi siyang may pasalubong sa akin kapag nakababalik siya sa bansa. At kapag dumadalaw siya rito sa apartment ko ay may dala pa siyang grocery gaya ngayon. Siguro naaawa siya sa akin.

I pity myself sometimes, too. Pero marunong naman akong tumanggap. Tanggap ko kung ano na ako ngayon. Wala rin namang magagawa kung magrereklamo pa rin ako o magkukuwestiyon. Nagpapasalamat na lang ako na kahit paano ay may kaibigan pa ako gaya ni Trish na iniisip din ako.

“What?” I asked her because she was looking at me intently. Para bang may binabasa siya sa mukha ko.

Bahagya siyang umiling, pagkatapos ay natigilan. “Are you pregnant?” she seriously asked.

Mistakenly (To Be Published Under Precious Pages Corp.)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن