Maghihintay. [One-shot]

8.3K 116 58
                                    

Maghihintay

"Paasa lang naman yang si Echo e. Sasabihin na maghihintay, pero ano yan?" paglipat ng tingin ko sa table nila ni Friz. Ayan, nagsisimula na akong mag-open kesa maiyak ako.

(c)sheisDaisylyn

--

Bulung bulungan sa campus na sila na daw. Grabe na lang ang pagkabigla ko. Ang ganda ng gising ko sa umaga tapos itong balita ang bubungad sakin? No way! Pero ano nga bang magagawa ko? Sila na nga. Pisti.

Wala akong nabalitaan na nanligaw pala si Echo kay Friz.  Palihim kaya ang ginawa nila? Bakit hindi ko nahalata? Bakit di ko nakikita sa tuwing magkakasama kami? Bakit walang malisya kapag nag-uusap sila? Mga traydor, hindi man lang nagsabi. Hindi man lang nagpasabi, para hindi ako nasasaktan ngayon. Nakapaghanda man lang sana ako. Pero sino nga ba ako para balitaan ng kanilang lovelife? Hindi na ako importante sakanya.

Lunch ng mapatunayan ko ang bulung-bulungan. Andoon sila sa canteen, sa isang sulok kasama ang mga kabarkada ni Echo na nagtatawanan habang nakahilig si Friz sa braso niya. Mga PDA. Kairita! Napansin ko rin naman na pinagtitinginan sila ng iba pang estudyante. Siguro ay ngayon lang kasi uli nakipag-relasyon si Friz. Pasabi sabi pa ng man-hater daw. Eh, ano to? Nakaka-bitter.

"Hoy Jezzy, baka naman magdilim paningin mo sakanila ha." Sabi ni Deb na umiiling habang nagsisimula ng makipila.

"Hindi noh." Dipensa ko at tsaka tinalikuran siya sa pila. Hindi ko maitago na nagseselos ako. Paasa ka kasi Echo.

Narinig ko na lang ang pagtawa ni Deb kaya sinamaan ko to ng tingin. Kainis, kaibigan ko tapos inaasar pa ako. Pero dibale na, baka gumaan loob ko kapag nakakain na ako. Um-order na kami ng makakain. Light lang na pagkain to, para hindi ako mahirapan sa pagsagot sa exam mamaya. Nahihirapan mag-digest tiyan ko. Okay.

"Baka mapunit papel mo mamaya a. O baka maputol ballpen mo." Pagwawarning ni Deb. Ano di ko gets?

"Ano?" Pagkunot ng noo ko habang sinisipsip tong Chuckie.

"Sabi ko, baka maibuhos mo yung galit mo kina Echo at Friz sa papel at ballpen mo mamaya sa exam." Natatawa niyang sabi kaya sinipa ko yung paa niya sa ilalim ng table.

"Wala akong pakialam sakanila." Mapakla kong sumbat. "Mag-aaral ako." At yun ang totoo.

"Kaya si Friz ang niligawan e, puro ka kasi aral." Narining kong bulong ni Deb sa sarili pero alam kong sinasdya niya iyon dahil alam niyang maririnig ko.

"Narinig ko yun a!" Hampas ko sa braso niya kaya napa-aray siya.

"Wala ka ba talagang feelings kay Echo? Kahit noong una?" Tanong ni Deb. Insensetive talaga!

"Wala." Pero kung alam niya lang, meron. Sasagutin na sana kita Echo...

"Weh. Hindi na nga maipinta mukha mo ngayon eh. Nagseselos ka." Ani Deb

"Paasa lang naman yang si Echo e. Sasabihin na maghihintay, pero ano yan?" paglipat ng tingin ko sa table nila ni Friz. Ayan, nagsisimula na akong mag-open kesa maiyak ako.

Nagulat naman si Deb sa pagsabi ko nun kaya napatigil siya sa pagkain.

"Naghintay po siya." pagtatanggol ni Deb kay Echo. Kaibigan ko ba talaga to?

"ng ano tatlong araw? apat? lima? tss"

"Tinaboy mo siya, sabi mo mag-aaral ka. Kaya ayan, may labtim na Friz at Echo ngayon." deklara ni Deb

"Kasi hindi siya nag-antay, aamin na rin naman sana ako e-" Naputol kong sabi kasi tumulo na tong mga luha na kanina ko pag nipipigilan

-

Maghihintay. [One-shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon