MWM@44

108 0 0
                                        

>>>CHAPTER 43

Nagdecide akong hindi na muna sabihin kina Emma ang mga sinabi sakin ni Miley.

Kailangan kong mag isip ng magandang way para kapag sinabi ko yon kay Steven ay talagang maniniwala sya at hindi ako sasabihan ng padalos dalos.

Napatingin ako sa oras ng phone ko.

1:56 am na pero hindi pa din ako dinadalaw ng antok sa kakaisip ng paraan.

Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa rooftop ng hotel.

Nabalitaan ko kasi na may garden doon at pool.

Magpapahangin lang ako at mag iisip.

Pagdating ko ng rooftop nastun ako.

Ang ganda! Punung puno ng flowers ang mga iba't ibang klase ng halaman at ang bango ng simoy ng hangin tapos punung puno ng petals ang pool.

Umupo ako sa kanto ng pool at nilublob ang paa ko pagkatapos tumingin sa langit.

Napangiti ako dahil nagflash back sa utak ko yung mga araw na kapag gusto kong mag isip.

Pupunta lang ako sa playground tapos titingin lang sa langit pero napasimangot din agad ako nang maalala ko ang mga sinabi ni Miley.

Psh! Bakit ba lagi na lang akong naiipit sa sitwasyon?!

Ngayon alam ko na ang lahat hindi ko naman magawang sabihin kay Steven dahil masasaktan lang ako kapag hindi sya naniwala pero hindi tamang palagi na lang syang maniniwala sa kasinungalingan ni Miley!

Ginulo gulo ko ang buhok ko.

Kung nakinig lang ako kina Emma noon!

Naiinis ako! Ginamit nya ang inosente nyang mukha para mapaniwala ako!

pero ano yung contract na nabasa ko na tumanggap sya ng pera sa magulang ni Steven?!

Ang sabi ni Steven tinanggap nya yon para sa sarili nyang kalusugan pero wala naman talaga syang sakit?!

Pareho nya kaming niloloko!

Kailangan kong ilayo si Steven sa kanya!

pero pano?!

Totoo pala ang bali-balitang masama talaga ang ugali nya.

Kung tutuusin mas malala pa sya sa kaibigan nyang si Rebecca!

Gusto ko silang ilublob dito sa pool!

Napatingin ako sa sliding door ng rooftop dahil biglang bumakas at pumasok si Steven.

Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko.

Nagulat sya pagkakita nya sakin tapos tumango bilang bati.

Tumango din naman ako.

Lumapit sya sakin at umupo sa tabi ko tapos binabad nya din ang paa nya.

"Hirap makatulo?" tanong nya.

Nagnod ako.

"pareho tayo" sabi nya sabay tingin sa langit.

Natahimik lang kami ng ilang minuto.

Sasabihin ko na ba ang lahat ng nalaman ko?

pero wala akong ebidensya.

Baka mag away lang ulit kami.

Hindi pa to ang tamang oras.

"Steven"

"Hm?"

MY WRONG MATCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon