Prologue

3 1 0
                                    

PROLOGUE


Tayong mga tao ay mahilig gumamit ng mga kasabihan na karamihan ay totoo. Ewan ko lang pero may mga taong nagsasabi na 'Everyone is unique.' ika nila. Sa isip ko, 'Naku kalokohan yan!' bakit?


Try to pick your remote at buksan ang tv at manood ng drama na walang-wala kumpara sa kadramahan ko sa buhay. There you can saw people, obviously. Pero kita naman natin na ang totoong pinahahalagahan talaga ng kwento ay ang dalawang bida. They are the most important characters in the story. Mamatay man ang ibang tauhan wag lang ang dalawa. Natural, ano pang silbi nun kung patay agad sila diba? Syempre andiyan din yung mga supporting roles but how about the extras? Yung mga trying hard extra na ginawa na lahat ng arte pero invisible parin? Well, sabagay di naman sila magiging extra lang kung sobrang galing nila diba? Edi sana sila na yung bida. But that's not the point. I mean paano kung all the way hanggang extra lang talaga sila? Wala bang pag-asang sila naman ang matutukan sa kwento hindi yung puro lang sa kadramahan ng bida na walang ginawa kundi umiyak?


Extra. Sila yung tipong hindi napapansin, sila yung mga walang halaga, hindi kawalan kung mawala ang presensya nila at higit sa lahat sila yung mga tinatawag nating saling-gitgit lang. Parang reserve o di kaya substitute.


Parang ako. Yeah, you read it right. Isa akong super mega ultimate extra! Alam ko at tanggap ko but there's also a moment minsan na nakakahurt na dahil feeling mo wala kang halaga. Walang ibang tingin sayo kundi nagtataguminting na extra. Ilang beses ko na bang nasabi ang salitang yan? Feeling ko tuloy ay para akong may extraphobia. Yung takot sa salitang extra. Well,


This is me.


This is my story.


My story I felt I was EXTRA.

Ang Dakilang Extraحيث تعيش القصص. اكتشف الآن