At First Sight

423 10 10
                                    

At First Sight

DRAINE'S POV

Hindi ko alam kung anong ginagawa ko dito kasama si mama. Nakasuot ako ng magarbong bistida. Anong itsura bukod sa magarbo? Ayun, kulay pink sya na pa tube at madaming dyamante sa laylayan ng bisitida ko. Wala naman kasi akong maisuot kanina na hindi nagustuhan ni mama. Sabi nya, dapat daw mas maganda ako ngayon. Sa pagkakatanda ko nga, madami pa talaga akong gagawin na requirements sa school. Pinilit lang ako ni mama.

"Ysabella, ayusin mo nga yang mukha mo. Kami ng Tita Nancy mo nag ayos ng event na ito."
"Alam mo naman kasi mama na madami akong inaasikaso----"
"This is not up for a discussion iha. Just go with the flow."

Huminga ako ng malalim at hinawi ang buhok kong nasa unahan at nilagay sa likod. Pagpasok namin sa loob ng hotel, nagulat nalang ako kasi andito ata lahat ang mga business partners ni mama at tita. Lumapit kami kay tita ng makita nya si mama. Parehas silang masaya na nakita ang isa't isa. Nawala yung formality sa aura ni mama.

"Anna! Sa wakas. Akala ko naman iiwan mo ko mag isa dito."
"Possible ba naman yun? Tayong dalawa nag plano tapos hindi ako darating? You know how big and important this day and event for both of our families."
"Syempre naman Anna. By the way, ang ganda na naman ni Draine lalo sa suot nya. She's charming."
"That is why she's my daughter. She looks like her father also."

Mapagyabang na sabi ni mama. Nagbeso silang dalawa at ako naman niyapos ni Tita Nancy. Her hug is so warm kagaya ng mga ngiti nya sakin. Habang nag uusap silang dalawa, may table na malapit sa amin at naka upo dun si Nicole nang dumating ang kuya nya na may kasamang babae. Napaka ganda nung babae. She's wearing a white off shoulder dress and black pumps. Nakataas yung buhok nya na kulot ang dulo. She looks like a goddess sent down here on earth.

"Nikki! Alis dyan."
"Anong alis?! Kuya naman! Umupo ka kung gusto mo!"
"Ansel, wag mo nang paalisin si Nikki jan. We can share the table with he----"
"Aalis nalang ako kesa may makasamang feeling close dito."

Tumayo si Nicole at yung babae naman ay may sinabi kay Ansel at umalis saglit. Pero mababakas mo sa mukha nya yung pagkairita sa mga sinabi ni Nicole. Para naman kay Ansel, wala syang pakielam, naupo lang sya sa upuan na nakatalikod sa amin. Finally, Nicole noticed me. Lumapit sya sa akin at hinila sa pagkakadikit sa mga magulang namin na hindi na ako pinansin pa.

"Kanina ka pa ba dito Ate Draine?"
"Yup. Nakita ko kanina ginawa mo dun sa kasama ng kuya mo."
"Wala yun she deserve it naman eh. Tara let's enjoy the party!"

Hinila pa nya ako which cause to me to be outbalanced. May nabangga ako. Nakarining nalang ako ng boses na naiinis. Nang makita ko, she's the girl na kasama ni Ansel kanina. She's with another girl. Siguro ate nya. Nanlaki mata nya and tinaasan ako ng kilay.

"Do you know how much this dress cost para matapunan lang ng wine just because you're not paying attention?!"
"And today is your engagement day too!"

Natapon yung wine sa damit nya. Since it is a white dress, ang sagwa nang tignan. Nagmukha syang basang sisiw. Ansama ng tingin nila sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko. I'm not in the mood to speak and this is a formal event na ianyos ni mama at tita. I don't want to cause any trouble, so I mumbled out one word.

"Sorry."
"Sorry?! Sorry is all you've got? You ruined my dress for tonight's event!"
"Hey Wendy, don't demand here. Kaya nyang palitan yan kahit sampu pang ganyan."

Nagulat ako sa umakbay sa akin. Si Ate Nicka pala. Sya ang panganay sa kanilang magkakapatid. Nanliit yung mata ni Wendy at tinignan ako mula ulo hanggang paa which made me upset. Nagsalita yung kasama nya.

"Nicka alam mo naman na ang event na ito ay para sa pamangkin ko, tonight was her engagement. Don't you think you are rude enough for her para kampihan ang isang clumsy girl over her?"

At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon