Bakit Ba Ika'y Nagbalik Pa?

70 3 1
                                    

Akala ko noon ika'y nalimutan ko na

Akala ko ay wala na akong nadarama

Ngunit nang landas natin ay muling nagkatagpo

Muling nadama ang pag-ibig sayo ng puso ko sayo

Linlangin ko man ng paulit ulit ang aking sarili

Wagas na pag-ibig sayo'y di pa rin maitatanggi

Pares ng aking mga mata ikaw lang gustong makita

Kaw pa rin talaga ang hinahanap ng puso ko sinta

Kahit na anong gawin

Hindi kita kayang limutin

Paano na ang puso ko?

Puso na umiibig sa'yo

Bakit ba ika'y nagbalik pa?

Tuloy ang puso ko ngayon ay nahihirapan na

'Pagkat mahal pa rin kita Oh Sinta

Pag-ibig ko sayo'y di pa rin nawawala

Tadhana nati'y talagang mapagbiro

Balak na paglimot sayo'y ako pa ri'y bigo

Ipikit man itong mga mata, kaw pa rin ang nakikita

Larawan mo ang nasa panaginip ko twina

Bakit Ba Ika'y Nagbalik Pa?Where stories live. Discover now