My 1000th Fan [One Shot Story]

2.4K 151 172
                                    

3rd shot. ;)

__________________________

“Anak tama na muna ‘yan kakain na,” tawag ni Mom sa akin. Kanina pa kasi ako nagiinternet dito walang patayan ng lappy eh. 

“Oo nga ma, pagalitan mo ‘yan kaya lumalabo ang mata eh,” dagdag pa ng kuya ko. Naririnig ko silang naguusap sa living room. Minsan talaga ang sarap sapakin niyan lagi akong sinusumbong kay Mommy eh.

I just sighed. Yung feeling na ayaw mo nang tumayo at forever na maginternet ka na lang pero hindi pwede dahil kung hindi papagalitan ako nila Mommy. Who knows? Baka itago pa nila si Travis. Name ni lappy, yes I named my things ganyan ako ka weird.

“Debbie Anne Santino!” sigaw na ni mommy. Psh.

“Wait lang ma! Kalma tayo. Love you!” sigaw ko din pabalik nandito kasi ako sa room ko. Tinatamad akong tumayo.

Surf pa din ako ng surf.  Punta sa facebook. Nood ng vids ng mga korean idols. Stalk sa twitter at tumblr sagot sa mga questions sa ask.fm at ang panghuli ay ang pagbabasa sa wattpad. Multi-tasking lang ang peg ko.

“Anong wait?! Kanina pa yang wait wait na ‘yan ah! Tumayo ka na nga diyan!” I almost had a heart attack. May pagkaninja talaga ‘tong nanay ko.

Inunat ko yung dalawang braso ko na parang nagpapatayo. Kinuha naman ni mommy at tinayo na ako. Haha!

Naglakad na kami papuntang dining room. Nandoon na si Daddy at Kuya. Himala nga at nandito ngayon si kuya laging nasa girlfriend niya ‘yan eh.

Oh how rude of me hindi pa pala ako nagpapakilala. Ako nga pala si Debbie Anne Santino. College student at isang internet addict! Hindi lumilipas ang araw na hindi ako nagiinternet well, may exceptions syempre, kapag may exams ako or walang load yung smartbro namin. May mga accounts din ako ng iba’t-ibang social networking sites pero hindi ako ganoon ka active. Wattpad lang, isa kasi akong writer. Ang goal ko lang naman sa wattpad ay maka 1000 fans sa ngayon may 999 fans na ako. Isa nalang matutupad na ang ang goal ko kaya syempre kung sino man ang magiging 1000th fan ko kailangan ko siyang pasalamatan. I’ll grant his/her wish if ever.

You want to know me more? Post ka lang sa MB ko sa wattpad. Haha!

Nagsimula na kaming kumain.

“Ikaw Debbie ha, pag tumaas ang bill ng kuryente natin lagot ka talaga sa akin!” sabi ni Mommy. Here goes the sermon portion na naman po.

Si Daddy? Nahh, tahimik lang ‘yan. Chill lang eh hindi katulad ni mom na halos mabingi na ako sa kakasermon sa akin idagdag pa si kuya na inaasar-asar pa ako. Grr.

Nagthumbs up lang ako kay Mom. “Don’t ya worry Ma. Ako pa ba?” sabi ko habang patuloy sa pagkain.

Hindi alam nila mommy na kaya ako madalas magnet ay dahil nagsusulat ako. Well, alam nilang nagwawattpad ako pero aside from that wala na. Tuloy pa din sa pagsermon si Mom ako naman mana ako kay dad chill lang din. Nang matapos na kaming kumain, naglinis na kami ng pinagkainan. Nag mala ninja moves din ako sa pagwawalis para makabalik na ulit ako sa pagnenet.

After that, tuloy-tuloy na ako sa room ko.

Hindi real name ko ang ginagamit ko sa mga networking sites I have my pseudo name which is 'CuttieDebbie' pero syempre I’m just kidding lang parang ang jeje kasi eh hahaha! Seriously,  I go by the name AnneS. Gamit ang second name ko.

Offline ako sa facebook. Sa wattpad naman nakainvi ako means nakahide ang green button pero online ako niyan. Hindi naman ako ganun kasikat kasi baguhan palang naman ako pero thankful pa din ako dahil may nagbabasa naman kahit papaano ng works ko na karamihan ay ang character ay puro si crush. Wait, In speaking of that I have some confessions to do, I made my wattpad account all because of this one famous author. Si Lui Santos. Sikat siya sa Wattpad ang dami na niyang works, 65,000+ ang followers. Not to mention that he’s my schoolmate.

My 1000th Fan [One Shot Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon