Ang Epiko ni Minos

331 4 0
                                    

Heya hooo. Wala lang pong magawa ^_^ Artifact po kasi namin siya sa Fili, tas natuwa lang ako kasi inspired ako dito ni Lee Minho. Halata naman sa mga pangalan :"> 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sa isang malayong pulo sa silangan,

Magandang kaharian ng Minho ay masisilayan

Maituturing na pinakamayaman sa walong kaharian

Dahil sa kanilang matipuno at magiting na hari

Si haring Limin na lubhang kinatatakutan

Dahil sa angking galing at katalinuhan

Ang lahat ng tao ay iginagalang siya

Mula sa kanyang kaharian hanggang sa buong kapuluan

Ngunit lingid sa kanyang kaalaman

Ang pitong hari ay inggit sa kanya

Dahil sa atensyong kanyang nakukuha

Na hindi na raw tama ayon sa kanila

Pumasok tuloy sa kanilang isipan

Ang malagim na pangyayari

Daang taon na ang nakalipas

Ang digmaaan sa buong kapuluan

Ayaw na nilang maulit muli iyon

Dahil sa napakalaking pinsalang idinulot

Libo libong tao ang namatay

Nang dahil sa pag-aagawan ng kapangyarihan

Kaya magmula noon, nabuo ang isang kasunduan

Kasunduan na walang sinoman ang maaring sumalungat

Ang buong kapuluan ay hahatiin sa walo

Walong pantay-pantay na kaharian at walong hari

Ngayon ay nagising sila sa realidad

Na si haring Limin ay bumabaluktot

Sa kasunduang kanilang inalagaan

Sa loob ng mahabang panahon

Iniisip nila na mayroon siyang malaking plano

Plano na matagal nang nasimulan

At ngayon ay unti-unting kinukuha ang simpatya ng tao

Upang sakupin ang lahat ng kaharian

Isang araw ay nagkaroon ng pagdiriwang

Pormal na ipapakilala ni haring Limin

Ang kanyang tanging tagapagmana

Ang kanyang pilyong anak na si Minos

Bata pa lamang si Minos ay pasaway na

Walang sinusunod alinman sa utos ng hari

Dahil laging nandiyan ang kanyang ina

Upang ipaggtanggol mula sa ama

Si haring Limin ay lubhang nababagabag

Dahil sa inaasal ng kanyang anak

Alam niyang darating ang araw

Na si Minos na ang mamamahala sa kaharian

Dahil sa kanyang pag-aalala

Ipinakilala niya si Minos kay Shika

Si Shika ang pinuno ng mga kawal

Upang turuan humawak ng espada at makipaglaban

Sobrang nahihirapan si Shika kay Minos

May mga pagkakataon na tinatakasan siya nito

Ang tanging gusto lamang ni Minos ay matulog

Matulog at magliwaliw sa masukal na kagubatan

Isang beses ay sinundan ni Shishika si Minos

Pumasok siya sa masukal na kagubatan

Hinanap niya si Minos ngunit siya’y nabigo

Sa sobrang pagod ay nagpahinga muna siya

Sa kabilang banda si Minos ay naglalakad

Nang marinig niya ang malakas na sigaw

Sigaw na alam niyang galing kay Shishika

Agad niya itong hinanap at pinuntahan

Pagkita niya kay Shihika ay tumawa siya ng napakalakas

Dahil isang ahas ang nakapalibot sa katawan  nito

Ngunit matapos nitong tumawa ay tinulungan niya agad

Nasa isip niya na isang pinuno ng kawal ay takot sa ahas

Sa loob ng kaharian ng Minho ay payapa

Subalit sa labas ay may nangyayari

Ang pitong hari ay nagkasundo laban kay Limin

Isang pag-atake ang magaganap mamayang gabi

Si Shishika, bilang pinuno ng mga kawal

Gising tuwing gabi upang magbantay

Habang si Minos ay malayong nagmamasid sa kanya

Dahil ito’y may lihim na pagtingin sa kanya

Noong gabing din iyon ay naganap ang pag-atake

Isang higante at makamandag na ahas ang sumalakay

Hindi alam ni Shishika ang gagawin

Si Minos naman ay agad kinuha si Shishika

Sinabihan niya ito na huwag umalis sa isang sulok

At siya na ang bahala tumapos sa ahas

Nag-aalala ngunit wala ng ibang pagpipilian si Shishika

Kaya tumango na lamang siya at nanatili sa pwesto

Agad tinapos ni Minos ang ahas

Hindi alam ng lahat pero siya’y magaling makipaglaban

Magaling din siyang humawak ng espada

Dahil araw-araw pinapanood niya  si Shishika

Madalas siyang nasa kagubatan

Hindi upang matulog o magliwaliw

Ngunit upang siya ay mag-ensayo

Maraming hayop na rin ang kanyang napatay

Lahat na halos ng uri ng hayop

Kaya’t wala na siyang kinatatakutan

Pinagtapat niya ang lahat ng ito kay Shishika

At dito ay umamin na rin si Shishika

Sino nga naman ang hindi mabibighani

Sa likas na kagandahang lalaki ng prinsipe

Siya ang nagsilbing inspirasyon nito

Upang pumasok bilang pinuno ng mga kawal

 Si haring Limin ay lubhang natuwa

Sa kabayanihang ipinakita ng kangyang anak

Kaya’t ipinakasal na niya ang dalawa

At lahat sila’y namuhay ng masaya

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 04, 2013 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ang Epiko ni MinosWhere stories live. Discover now