Karinderya: UNTOLD STORIES (Part Two)

2K 50 23
                                    

BABALA ng may AKDA: Huwag basahin kung hindi kayang sikmurain ang bawat eksenang mababasa.

A/N: Ang dedikasyon ay mapupunta sa unang magkokomento. Maraming salamat sa paghihintay ng part two ng KARINDERYA after one year. Hehe. Salamat at natapos ko din. Ibayong tibay ng loob at sikmura ang kinailangan ko para matapos ito pero JOKE lang ha. Hehehe~ Sana'y magustuhan nyo pa rin. Maraming salamat.

*********

SINA Chard, Rai at Oliver ay mga binatilyong nais lamang magbakasyon sa napakagandang probinsya ng Quezon.

"Lol, pare! Hindi ko type si Marie. She's just one of my 'toys' you know." nakatawang bigkas ni Rai habang nagtatanggal ng damit. Naroon ang mga ito sa ilog ng Agua na malapit sa paanan ng bundok.

"Ewan ko sayo, pare! Matakot ka sa karma" napapailing na wika ni Chard.

"Karma? Ang karma pa kamo matatakot diyan." sabad naman ni Oliver, habang inaayos ang tent na tutulugan ng mga ito.

"Inggit lang kayo!" sagot ni Rai, sabay saboy dito ng tubig. Nagsilayuan naman ang dalawa, natatawa. Si Rai naman ay tuluyan ng lumusong sa ilog.

"Pare, nasaan ang mga kutsara natin?" tanong ni Chard, ang abala naman sa pagaayos ng gagamitin nila sa pagluluto.

Napagpasyahan nang magkakaibigan na magovernight doon imbes na sa resthouse ng pamilya ni Rai. Mas may thrill at para maging kakaiba naman ang bakasyon nila.

"Shits, pare! Nakalimutan ko!" sagot ni Oliver. "Naipatong ko yata don sa lamesa"

"Ku! Pangalan lang yata ng mga babae mo ang di mo nakakalimutan."

"Sira! Si Rai lang ang babaero dito."

"Hindi no!" sabad ni Rai mula sa malayo. "Sadyang maraming lang babae ngayon at kakaunti lang ang tulad kong guwapo."

Nag-boo sign naman sina Oliver at Chard sa sinabi ng kaibigan. Kahit kailan talaga ay hambog ang kaibigan nilang iyon. Ganon pa man ay magkakaibigan pa rin sila. Walang iwanan. All for one, one for all ang peg nila.

They are highschool batchmates. Nagkasama sama lang sila nang maging players sila ng basketball team sa school nila. And then the rest is what you so called history.

Graduating na sila sa pare-parehong kurso. Engineering.

"Alam ko na, pare! Naalala mo 'yong kinainan natin kanina? Baka puwede tayong manghiram doon." suhestiyon ni Chard.

"Puwede nga. Kesa bumalik pa tayo sa resthouse o kaya bumili. Menos gastos pa."

"Sus! Sabihin mo, kuripot ka lang talaga."

"Nagsalita ang hindi kuripot."

Karinderya: UNTOLD STORIES (Part Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon