Linya ng F*ckboy (Part 1)

2.3K 126 87
                                    


Linya #1

  "Ikaw lang naman kinakausap ko eh." 

- Ilang beses mo na ba narinig 'tong linya na 'to mula sa mga lalaking sinungaling at magaling magpanggap? Kunware loyal, pero hindi naman. Wala ka nang maloloko dito hoy!

Linya #2

  "Hindi na ako mangangako, papatunayan ko nalang sa'yo. Hintay ka lang." 

- Bibigyan ka nila ng mga ganitong linyahan... kumbaga sa pagkain, paaamoy lang sa'yo pero di ipapatikim. Pasabik lang.

Linya #3

 "Sorry ha. Antok na talaga ako. Pagod ako sa school eh. Bukas chat kita promise."

- Pero isang linggo na hindi pa rin nagcha-chat. Masyado ka namang studios sa mga back subjects mo boy!

Linya #4

  "Alam mo ikaw lang ang pinakamagandang babaeng nakita ko. Ang ganda talaga ng mga mata mo. Send ka namang boobs." 

- So mukhang boobs yung babae gano'n? Dyoga ng buhay mooooo. Bwisit!

Linya #5

 "Mahal na mahal kita... pero hindi ko pa kasi kayang pumasok sa committments eh. Sana hindi ka mawala."

- Wait what? Ayaw mo siya mawala, pero ayaw mo rin ng committments? Edi sana friniendzoned mo nalang agad tohl! Hindi yung iiwan mo siya sa ere. Kumbaga, nakasakay kayo sa kotse, tapos binuksan mo yung pinto. Pinalakad at pinatayo mo siya sa gitna ng EDSA, sa gitna ng malalaking truck. Pag tumawid sya sa kanan, nakamamatay. Pag naman sa kaliwa, medyo baldado lang siya. Pero parehas masakit.

Linya #6

  "Nako, delikado na umuwi ngayon bes. Gusto mo samin ka nalang muna matulog? May aircon kami." 

- Mas delikado yata kung ikaw kasama niya umuwi, ngiti mo palang ngiting manyak na eh.

Linya #7

 "Gusto mo bisita dito sa bahay? Pakilala kita sa mommy ko."

- Pero ulilang lubos na yan. Papakilala ka niya kay junior. Nice holding you tho. Hahaha!

Linya #8

  "Baka magalit boyfriend mo... Okay lang ba na i-chat kita? Pero ang sexy mo. Swerte niya sayo. Labas naman tayo." 

- Ito yung sagad na yung tinataglay na kakatihan, kahit may boyfriend na yung babae hala sige pa rin. Iba ka tohl. Tindehhhh.

Linya #9

"Lav U baby" 

- Lav U mo mukha mo. Bago mo i-send sa isang tao, itama mo muna yung spelling.

Linya #10

  "It's not you, it's me. Marami lang ako problema ngayon. Hayaan mo muna ako mag-isa."

- Ito yung isa sa mga pinaka-classic na linyahan mula sa commercial dati ng Skyflakes. Sobrang nakakatanga. Hindi naman pala ikaw yung may kasalanan at pagkukulang pero iiwanan ka pa rin niya. Kesyo hahanapin niya raw sarili niya, kesyo di raw siya sapat, kesyo di raw siya yung tamang tao para sa'yo. Hindot hindi ganon yon. Kung mahal mo yang tao, gagawa ka ng paraan para maging "right" person. Ang sabihin mo, nakahanap ka na ng bagong biktima. Pakboy!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 05, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Linya Ng F*ckboyWhere stories live. Discover now