CHAPTER 6

196K 1.9K 179
                                    

This story is soon to be published by Lifebooks. Please support the physical copy! Thanks.


JAMIE'S POV

"Jam, hindi ka pa ba kakain?" tanong ni Cassandra sa akin.

"Wait lang, ang haba pa kaya ng pila." Medyo mahaba haba ang pila ngayon sa cafeteria. Tamad kasi akong magpila kaya hinahayaan ko muna silang mag-order.

"Eh, kung di ka ba naman tamad, kung kanina ka pa pumila edi sana may pagkain ka na ngayon. Tingnan mo kami, nagpapakabusog." Patuloy pa rin sa pagkain si Chelsea. Nahuli na kasi ako dahil may tinapos pa akong trabaho.

"Haist, kumain na nga lang kayo, magpataba kayo! Kawawa naman kasi ang mga fats niyo kapag nagutom." Acutally, biro lang yun, eh wala namang mga fats itong mga kaibigan ko, baby fats lang.

"Kumain nalang kayo. Jam, eto may burger pa ako. Sa iyo nalang." Iniabot niya sa akin ang isang burger niya pero hindi ko tinanggap iyon. Isa si Cris sa mga kaibigan nila Cassandra kaya nakilala ko siya, mas matagal na siyang nagtratrabaho dito.

"Asus! Pinagtanggol pa, sabihin mo nagpapaplus pogi points ka lang!" tukso naman ni Chelsea. Natawa ako sa sinabi nila. Medyo namula kasi Cris pero hindi naman ako naiilang dahil hindi ko binibigyan ng malisya hindi tulad nitong mga kaibigan ko.

"Ewan ko sa inyo! Kahit ano nalang ang iniisip niyo, sige Cris, okay lang, hindi pa naman ako masyadong gutom." GGRRRR... okay, papansin talaga itong mga alaga ko. Bigla nalang kasing tumunog ang tiyan ko. Nakakahiya!

"Hindi pa raw masyadong gutom, eh nag-aaway na ata mga alaga mo sa tiyan! Pakemi kapa!" sigaw naman ni Cassandra na tatawa tawa at gusto kong ibato itong walang laman na bote sa kanya.

"Kainin mo na, okay lang naman talaga." Inilagay na niya sa kamay ko ang burger. Hindi ko naman mahanap ang purse ko dahil gusto ko sana siyang bayaran. "Thank you, naiwan yata yung purse ko sa taas, mamaya nlang kitang baba-"

"Huwag na! libre nalang para sa alaga mo," nakangiti niyang biro sa akin. Bakit kaya wala pa itong girlfriend? Gwapo naman siya lalo ng iyong dimple niya sa left side. Napakabait din niya at napakaalaga dahil palagi niya kaming binibigyan ng pagakin kapag hindi kami nakakapaglunch. Bakla ba ito?

"Haist! Pasalamat ka at –" sabay hampas ko sa balikat niya.

"Excuse me, miss Rodriguez but we need to talk." Napalingon naman ako sa nagsalita at nakita kong magkasalubong ang mga kilay niya. May ginawa na naman ba ako?

"Good noon Sir" sabay sabay nilang bati pero hindi ako makapagsalita. Nagnod lang siya bilang sagot at tumingin ulit sa akin.

"O-okay." Naiwan na ako rito dahil nauna na siyang maglakad. Hindi man lang ako hinintay. Ano kaya ang problema nito? Tumingin tingin muna ako sa paligid at napansin kong nagbubulungan na sila at pinagtitinginan ako. Nagmamadaling tumayo na ako at sumunod sa kanya. Naipasa ko naman ang mga reports, haist! Ano nanaman kaya ang ginawa mo Jamie! Kastigo ko sa sarili ko.

BRENT'S POV

Nakakainis naman itong babaeng ito. Kanina pa ako tumatawag sa cell phone niya, hindi man lang sinasagot. Yun pala busy sa pakikipagkwentuhan sa employees lalo na at may hampas hampas pa tong nalalaman! Pinagtitinginan tuloy ako sa canteen, alam kong nagulat sila, first time ko kasing pumunta roon. Pagkarating ko sa parking lot, binuksan ko ang pinto ng kotse at umupo sa driver's seat. Tiningnan ko ang relo ko, bakit wala pa siya? Ibinaba ko naman ang window sa passenger seat at nakita kong nakatayo siya sa gilid ng kotse at kagat kagat ang labi niya.

Married To My Boss (published by Lifebooks) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon