Confession Of A Murderer (ONESHOT)

3.9K 143 116
                                    

Copyright 2013 © Yeppeun

Confession Of A Murderer | One Shot Story

FACEBOOK GROUP: http://www.facebook.com/groups/IstoryaheNiBlesie

***

Habang nag-lalakad ako pasimple akong tumitingin sa mga taong nasa paligid ko.. Sa bawat taong nakikita ko kanya-kanyang ideya ang namumuo sa isip ko kung paano ko sila papatayin.

Hindi ko kilala ang sarili ko, walang nakaka-kilala sa akin. Ang mga tangang autoridad na pilit akong hinahanap hindi nila ako mahagilap. Pwede akong kahit sino... Kung gusto mong maging tatay mo ako o maging kasintahan mo pwede rin naman.. Pero mas maganda kung gagawin mo akong Diyos, mas magandang sasambahin mo ang buo kong pagkatao.

"T-tama na! Ac-k!" Ang sarap sa pandinig.. Mas masahol pa ito sa isang malumanay na musika. Ang sarap sa pakiramdam para akong hinehela sa pag-hihinagpis na sigaw niya.

"Masarap ba?" Tanong ko sa kanya at mas lalo kong hinigpitan sa kanyang leeg ang wire na hawak ko.

Napapanganga siya habang tirik na tirik ang kanyang mga mata. Ang ganda sa paningin ko, ang sarap sa mata... Nakaka-relax tignan ang itsura niyang hirap na hirap. Habang nakikita kong nangingitim na ang mga labi niya at lumalabas na ang mga pulang ugat sa mata niya dahan-dahan kong niluwagan ang pag sakal ko sa kanya.

"T-t-am-a na.." Napapailing na lang ako sa pag mamakaawa niya. Tama 'yan.. Ganyan nga.

"Nag-uumpisa pa lang tayo." Nginisian ko siya at mas lalong nag-alab sa mukha niya ang takot na nararamdaman niya.

Inilibot ko ng tingin ang buong paligid, malinis.. Walang tao, walang kahit sino. Ganito dapat, walang bahid ng dumi, walang bahid na maitim na budhi. Sobrang tahimik ng lugar na ito, mga kuliglig lang ang tangi kong naririnig kasabay ng pag iyak ng babaeng naka-handusay dito sa sahig.

Hindi ko siya kilala, nakita ko lang siya kanina habang nag-lalakad ako at naisipan kong idala siya dito sa palasyo ko.

"P-ata-yin m-mo na l-ang a-a-ko.." Sa tono ng pananalita niya halatang hirap na hirap na siya. Tumayo ako mula sa pag-kakaluhod sa harap niya at marahas kong tinadyakan ang balakang niya.

"ARGH!!" Bigla siyang namilipit sa sobrang sakit. Bahagya akong natawa sa reaksyon ng itsura niya. "De-demon-yo k-ka.." Hindi ko siya pinansin, sanay na akong tawaging demonyo. Kahit sa sarili ko alam kong demonyo talaga ako. Siguro ako ang ipinadala dito ni Satanas para pahirapan ang mga tao.

Tumalikod ako sa kanya at nag lakad papunta sa isang sulok ng abandonadong gusali na 'to, mula sa kinatatayuan ko malinaw kong na aaninag ang mahaba at matabang tubo roon. Kung ano-ano na naman ang namumuo sa isipan ko. Mukang maganda ang kalalabasan nito.

Kinuha ko 'iyon at tinantya kung gaano kahaba, sa tangkad kong 6 footer hanggang leeg ko ang tubo na 'iyon. Sapat na siguro ito para umpisahan ko ang larong pinaka hihintay ko.

Mag-lalakad na sana ako nang may narinig akong kaluskos. Agad kong tinignan mula sa likod ko ang babaeng kasama ko, nakita kong pilit siyang gumagapang habang humihikbi ng mahina.

Nag-lakad ako papunta sa gawi niya at tinadyakan ulit siya. "Wala ka ng takas tanga!!" Sigaw ko sa kanya habang marahas kong sinisipa ang katawan niyang unti-unting tumitihaya.

"M-aawa ka..." Dahan-dahan akong napapangiti sa itsura niyang kaawa-awa. Hindi pa nga kami nag-sisimula maaawa na agad ako?

Mula sa liwanag na nang-gagaling sa labas malinaw kong nakikita ang itsura niya, kung tutuusin napaka-ganda ng babaeng ito pero sayang ang ganda niya kung maaga siyang mamamatay.

Confession Of A Murderer (ONESHOT)Where stories live. Discover now