Tadhana 2: Kapalaran [One Shot]

45.3K 1.1K 136
                                    

Tadhana 2: Kapalaran

First time is accident.

Second time is coincidence.

Third time is destiny.

But what comes after the third time?

© luminatina

**

Nagising ako sa vibration ng aking cellphone na kinasanayan ko nang doon ilagay sa ilalim ng aking unan. Agad ko itong kinuha, at dahil sa wala pa akong sa aking normal na sarili ay kamuntikan ko pa itong naihulog. 'Pag kakuha ay agad kong tiningnan kung sino ang nag-text.

From: Patrick

Morning, Ielle! Happy Birthday & happy anniversary! I love you.

Napangiti ako. Sino ba namang hindi mapapangiti kung ang gigising sa'yo sa isang napakagandang araw ay ang taong nagpapaganda nito?

Agad naman akong nag-type ng reply.

To: Patrick

Good morning. Thank you and happy anniv. I love you, too. Forever and always.

Limang taon na rin pala ang nakakaraan mula nung sagutin ko 'tong mokong na 'to. Sino ba namang mag-aakala na magkakakilala man lang kami nito? Tadhana nga naman.

Hinintay kong mag-vibrate ang phone ko, pero wala eh. Hinayaan ko nalang. At least, binati na n'ya ako kesa nakalimutan. Saka baka nakatulog ulit 'yun.

 Around 9 AM ay naghanda na ako for work. Hindi na nag-text si Patrick. Medyo nakakatampo na pero kagaya kanina, hinayaan ko nalang ulit.

Dumating ako sa office, at nalaman na half day lang pala today. Naisip ko, napakaboring naman ng birthday ko, napakaboring naman ng anniversary naming ito.

Nagpunta ako sa Starbucks sa tapat ng office, at umorder ng Javachip Frappuccino. Naupo ako sa pang-dalawahang upuan sa may tabi ng glass wall, at unti-unting bumalik sa'kin ang mga pangyayari mula nung naging kami ni Patrick.

*

I still remember that day nung sinagot ko s'ya. We were dancing then. That was my eighteenth birthday kung saan nag-volunteer s'yang maging escort. Yes, hindi ko s'ya pinili. Pinilit n'ya ako na s'ya ang gawing escort. Little did I know na magpapaulan s'ya ng hundreds of rose petals with different pictures of us reflected in them while we dance, then asking me kung p'wede na daw ba akong maging girlfriend. Who wouldn't say 'yes' to that right?

N'ung first anniversary namin, pinuno n'ya ang terrace ng bahay namin ng Austrian roses. Yes. Very specific. As in Austrian roses. I remember asking him bakit kailangan pang Austrian.

He smiled then said, "Thou art all that is lovely."

At ako naman bilang slow at shushunga-shunga ay tiningnan lang s'ya at nagtanong, "Ha?"

Tadhana 2: KapalaranTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon