Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

Chapter 2: The Second Kiss

800K 11.5K 1.6K
                                    

Chapter 2


Pagpasok ko sa loob ng bahay ay sinalubong ako nina Kuya at Renz. Umiwas ako ng tingin kay Kuya Kriz—a.k.a Krisantimo, ang baho 'no?—pati na rin kay Renz. Mukhang nawiwirduhan siya sa akin dahil sinabi kong magpapasundo ako.

But here I was, nakauwi safely ng mag-isa. Makakalagpas na sana ako nang magsalita si Kuya Kriz.

"At saan sa tingin mo—Maria Marciana Ochoco—ka pupunta?"

Napahinto ako sa tanong ni Kuya. Napatingin ako sa kanilang dalawa habang naka-cross arms sila ni Renz. Mas mukhang pa silang kambal.

"Uhm, sa kwarto?" sagot ko habang suot-suot ang pinakapekeng ngiti na nagawa ko today.

Tumaas ang isang kilay niya. Magsasalita sana siya nang unahan siya ni Renz.

"Without even explaining bakit ngayon ka lang nakauwi? At 'di ba sabi mo, magpapasundo ka kay Kuya Kriz? Teka nga—may ginawa ba sa'yo si Ezekiel?!" sunud-sunod na tanong nito. Bakit napasok sa usapang ito si Ezekiel? Tiningnan ko siya ng masama. Traitor!

"Walang ginawa sa akin si Ezekiel, okay?" I snapped at them.

Sumimangot siya. "Kaya pala namumugto ang mga mata mo 'no? Binasted ka 'no?" tanong nito, nang-aasar.

Lumaki ang mga mata ni Kuya Kriz sa narinig niya. "And who the hell is this Ezekiel guy? At anong binasted? Nanliligaw ka?! I thought you're a playgirl, Mars?" sunud-sunod niyang tanong habang nakangisi.

Bakit ba ang lalakas mang-asar ng mga kapatid ko?

Inirapan ko silang dalawa. "It's none of your business, Kuya and Renz! At kailan pa kayo naging si Mama at Papa? E wala namang mga pakialam sa akin 'yong mga taong 'yon, kayo pa kaya?!" I snapped at them again.

Totoo naman e, wala naman talaga akong kwenta para sa mga magulang ko. Lagi lang naman napupuri sa bahay na 'to si Renz at 'yong isa ko pang Ate.

Hindi sila umimik kaya nag-walk-out ako. Ang galing ko talagang tumakas sa isang sticky situation! Hindi naman ako galit, umiiwas lang ako sa pagiging overprotective ni Kuya Kriz. Pero surely, mamaya may mangungulit sa akin at aalamin kung bakit namumugto 'yong mga mata ko. Sino pa ba? E di 'yong kambal kong traydora!

***

Hindi ko sila pinansin during dinner. Mabuti at wala pa sina Mama at Papa. Baka hindi pa ako ganahang kumain kung nagkataon kasi kapag nandito sila, wala akong ibang nadidinig kundi compliments kay Renz. Hindi naman sa insecure, pero damn it, kailangan pa bang i-compare kami to the point na pinapahiya na ako? Minsan talaga naiisip ko na sana iba na lang mga magulang ko. Pero naisip ko rin na if that happened, hindi na ako magkakaroon ng kakambal at awesome na kuya.

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. "Ano bang nangyari kanina?" tanong ni Renz.

Bigla ba namang pumasok? Hindi man lang kumatok? I sighed.

Hindi ko sinagot ang tanong niya, instead ay tinarayan ko siya. "Hindi mo ba alam na matagal nang nailagay sa dictionary ang word na 'privacy'? At FYI, naimbento na ang 'pagkatok' before entering someone's room," tanong ko habang nagbibihis ng pambahay. Umupo siya sa kama ko.

"Whoa. Ang taray mo, kambal. Kung inaakala mong ma-o-offend ako sa sinabi mo, mas lalo lang kitang kukulitin kung anong meron!" she said with an evil smile.

Napabuntong-hininga ako. So much for privacy. "Oo na! Sasabihin ko na! Bwisit," sabi ko habang sinisenyasan siyang umusog sa pagkakaupo niya.

Practicing My First Real KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon