ER 1 : Remembrance (3593)

28.6K 511 69
                                    

EXO

“May bago daw na artist? Nag debut daw nung MAMA.” Sabi ni Suho after niyang pumunta sa office at ngayon ay nasa rehearsal studio sila.

“Oh talaga?” Chen na busy sa pag lalaro ni hindi man lang tinapunan ng tingin si Suho.

“Ah. So ano meron? Bakit mo biglang nabanggit?” Tanong ni Tao na muntik ng hindi pansinin si Suho.

“Babae ba?” tanong ni Kai.

“Yup. Shin Min Ra. Pero Minra ang screen name niya.”

“Oh? Maganda ang pangalan ah.” Baekhyun.

“Nag debut pala siya nung umalis tayo. Diba after performance umalis na tayo dahil kailangan nating habulin yung concert sa Singapore. Ayun. Dun pala siya nag perform. Hindi tuloy natin nakita.”

“Wait. Shin Min Ra?” Luhan na curious.

“Yup.” Suho at umupo sa tabi ni Chanyeol na tahimik lang na tulala. Tila hindi na binigyan pansin ng iba dahil nasanay na sila sa pagiging ganito ni Chanyeol simula 2 years ago.

“Solo artist?” pag coconfirm ni Luhan.

“Oo.” Tila pagod na sagot ni Suho dahil sa frustration na nararamdaman niya.

“Ano ba meron sa kanya at bigla mong nabanggit?” Tanong ni Kris na parang may natutunugan na.

“Actually, dahil sa kanya, kailangan nating gumawa ng mini-album, reality shows o at tv guestings.” Seryosong sabi ni Suho dahilan para makuha niya ang atensyon ng grupo. “Siya ang humahabol sa sales about sa album, at kapag hindi pa tayo gumawa ng way, may tendency na matalo daw tayo.” Natahimik naman ang iba na tila inaabsorb ang sinasabi ni Suho.

“Natural lang naman ang matalo.” Sehun na sumandal sa upuan.

Yun na nga, sinabi ko na nga yan sa producer. Pero ayaw makinig eh.” Suho na parang naiinis na. “Para kasing pinapalaki yung issue. Kesa isang babae daw, natatalo ang isang grupo na may 12 members.” Napahinga na lang ng malalim si Suho. “Okay lang naman kung ganun diba? Ang hindi ko maintindihan bakit kailangan nating gawin yung mga bagay na sinuggest niya. Hindi naman sa nag rereklamo, pero parang sobra na, hindi kaya mag sawa satin mga fans natin?” nag aalalang tanong niya.

At sumulpot naman ang manager nila… si Manager Noona.

“Oh, mukhang busy kayo?” ngiti nito dahilan apra lalong mainis si Suho at mawala sa mood ang iba.

EXO's MANAGER turns to EXO's RIVAL [1&2] [EXO FANFIC] [EXO BOOK 1 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon