Sanders Academy xx

6.1K 91 30
                                    

sanders academy by pujabbers7 

Ang drama talaga ng highschool. Pero I bet, hindi ka makakahanap ng highschool na mas dadrama pa sa highschool ko. Hindi normal ang highschool ko. 'Di lang 'to para sa mga studyanteng walang ginawa kundi magloko, hinahayaan yung grades nila... blablabla. Nope.

As weird as it may sound, ang Sanders Academy ay para sa mga anak ng sindikato, assasins, drug lords... you get the picture. Mga kalokohan talaga ng gobyerno. Para hindi hulihin yung mga magulang namin, kelangan pa kaming pahirapan. Kelangang pumasa kami with flying colors as always kundi, tigok ang nanay at tatay namin,

Ang weird, diba?

Gulat na gulat rin ako nung nalaman kong pamilya pala ng mga professional blacklisted killers ang pamilya ko. GRABE! Buti na lang hindi naging ganun ang trabaho ng Kuya Ren ko. Dito rin sya nag-aral, pero siguro nalabanan nya si Daddy kaya hindi sya naging professional killer. Nakakaloka talaga ang pamilya ko.

Kahit naman shocked na shocked ako at halos maglayas pa ako sa takot, kinausap ako ni Kuya Ren. Wala naman daw dapat ikatakot. Hindi naman daw required na maging professional killer ako, basta daw makakuha ako ng matinong trabaho. Pero si Kuya Travis, parang magiging professional killer din. Graduating na si Kuya sa Sanders, pero ayaw mag college.

Malupit rin naman ang Daddy ko e no? Iiwan kami para sa mga trabaho nya. Ni hindi ko nga nakita yun e! Laging nagpapadala ng mga kung ano anong materyal na bagay (with matching Love, Daddy)... as if naman! Buti na lang andito mga kuya ko. Kahit naman professional killer in the making si Kuya Travis, love na love ko naman yun. Syempre! May mang-away lang saken, lagot na sila kay Kuya.

Hehehe, joke lang.

"Hoy Maria Kendra! Nagdedaydream ka nanaman. Malelate nanaman ako dahil sayo." Nagger talaga si Kuya Travis. As if naman may paki sya na malelate sya, e nagcucutting rin lang naman sya.

"Hello? Di kaya ako ang dahilan kung bakit tayo laging late! Kung hindi lang ambagal-bagal mong kumilos... ba't ka ba pumapasok pa? E kina-cut mo lang naman yung--"

"Shut up. Alam mo namang di papayag si Dad na hindi ako mag-aral dito sa bwisit na school na 'to." As usual, eto nanaman ang pinagtatalunan namin. Sayang naman ang talino ng kuya ko kung mauuwi lang syang taga-gawa ng mga dirty deeds ng mga rich people. Di na lang sya tumulad kay Kuya Ren diba!

Pero syempre, as a good sister, di na lang ako nagsalita pa. Kung may isang taong kaya akong patahimikin, si Kuya Travis na yun.

Isang bus lang naman ang kelangan naming sakyan para makapunta sa school. Kahit naman uber rich ang daddy ko, ayaw nya na magdedepend kami sa yaman nya. Kung uuwi lang naman sya sa bahay para at least kahit isang beses makita ko sya edi okay na...

"Wag mo na ko hintayin. Malelate ako ng uwi. May aasikasuhin ako."

Nanlaki naman ang mata ko. "Kuya! Wag mong sabihing lalagutin mo nanaman si Prince! Baka ma-expel ka pa nyan."

"E sira ulo yung Prince na yun e. Akala mo kung sinong maka-asta."

Kaklase ko si Prince Alejo. Kahit anong gawin kong pag-intindi sa lalaking yun, di ko talaga magets ang takbo ng utak nya. Wala naman ata syang balak makipagkaibigan kahit kanino kundi dun sa ugok na kasama nyang si Mark.

"Hindi ako uuwi ng hindi kita kasabay." Basta. Kahit pa sabihing numero unong basagulero ang kuya ko, wala syang panama sa Prince na yun. Ang rinig ko, assasins ang mga kapamilya nun. Yung mga tipong bata pa lang, tinetrain na para pumatay. Katakot naman talaga diba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sanders Academy xxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon