Chapter 1

55 3 0
                                    

"Hindi ka ba papasok ngayon, Fiona? Malapit na mag 7:00?

Nag-unat-unat mona ako bago bumangon sa kama. Tinignan ko ang relo ko at 6:10 AM. Ang aga pa pala, bat malapit na mag 7:00. Sira siguro relo ni mama o kaya late.

Lumabas na ako sa kwarto ko habang kusot-kusot ang mata ko. Nakita ko si mama na naghahanda ng agahan.

"Good morning, Ma", hinalikan ko siya sa pisngi. Tinignan kung ano ang mga pagkain na inihanda niya. Pritong isda, pritong itlog, fried rice at may tsokolate pa. Hmmmm, mukhang masarap to ah.

"Kumain kana diyan baka malate ka pa, punta mona ako kina aling grasya", sabay talikod ni mama sakin. Baka nanghiram na naman ng pera si aling grasya kay mama. Ganyan si mama, pag may naghiram ng pera sakanya pupuntahan niya. Hindi naman kami mayaman, nasa abroad nagtatrabaho papa ko. Si mama naman may kunting business, which is restaurant.

Masaya akong kumain. Alam niyo na puro paborito ko ang nasa harapan ko.

Pagkatapos kung kumain ay nagtungo na ako sa banyo para maligo.

Nang matapos na akong maligo. Nagbihis na ako ng uniform ko.

Ung uniform na binihis ni Fiona, katulad ng uniform na nasa anime. Wala kasi akong ibang maisip eh...

Lumabas na ako sa kwarto pagkatapos kung magbihis. Kinuha ko na ang mga gamit na kakailangin ko sa school. Fourth Year High School student pala ako.

Umalis na ako. Di na ako nagpaalam kay mama, alam na niya naman. Sumakay na akong taxi, pagkalabas ko ng subdivision.

Nang makarating na ako sa school. Bumaba na ako tsaka nagbayad na kay manong.

Maraming mga estudyante ang nakikita ko sa hallway. Nagtatawanan, nag-uusap. May naghahabol-habulan. Sure ako freshmen yun.

Sa wakas nakarating na rin ako sa classroom.

"Maaga ka ata ngayon,Fiona", nakangiting sabi ni Sabel sakin. Nginitian ko lang siya. Nilagay kona ang bag ko sa upuan.

Total maaga pa. Lumabas mona ako at nagpasyang mamasyal sa loob ng school. Kahit matagal na ako rito nag-aaral di ko pa kabisado ang lahat ng pasikot-sikot na daan.

Maya-maya pa narating ko ang canteen. Marami nang mga estudyante ang nag snack kahit umaga pa. Siguro agahan narin nila yun.

Huminto ako sa paglalakad ng may tumawag sakin. "Fiona",. Nilingon ko ang taong tumawag sakin. Nakita ko si Ivan na patakbong lumapit sakin. Nang makarating na siya sakin.Hindi mona agad siya nagsalita. Hinihingal pa kasi. Nginitian ko na lang siya. Tsaka inayos ang kanyang polo.

Nang medyo naka recover na ang lungs niya. Nagsalita na ito.

"Ano ginagawa mo dito. Tsaka bakit mukhang maaga ka ata ngayon?", dugtong nito. Hindi ko mona siya sinagot. Tiningnan ko mona ang mukha niyang takang-taka dahil sa kaagahan ko. Gwapo talaga ng kaibigan ko.

"Maaga kasi ako ginising ni mama?", nginitian ko siya. Napatango na lang siya sa sagot ko.

"Nag-agahan ka ba. Tara kain tayo", anyaya niya sakin. Nang hindi ako sumagot hinila na niya ako palapit sa kantina.

Umupo kami sa may bakanteng upuan malapit sa bintana. Tumayo siya at nagpaalam na mag oorder lang daw siya ng pagkain. Tinanong niya ako kung ano ba raw gusto ko kainin. Sinabihan ko lang siya na busog pa ako. Totoo naman busog pa ako. Nag agahan kaya ako.

Bumalik na siya na may dala-dalang tray ng pagkain. Nilagay niya ang tray sa mesa. May dalawang pizza na nakalagay sa plato. May dalawang pineapple juice at may dalawang french fries.

Nagtaka ako kung kanino ang mga iba pa niyang inorder. Baka siguro may kasama pa siya iba na nilibre niya. Curious kasi ako kaya tinanong ko siya.

"Dami naman ng inorder mo. May bibigyan ka ba niyan", kunot-noo kung tanong sakanya. Di naman siguro sakin yan. Di naman siguro siya bingi sa sinabi ko kanina na busog pa ako.

Kunot-noo at may halong pagtataka ang mukha niyang sumalubong sakin. Hindi ko alam kung bakit ganon na lang ang nagiging reaction niya.

"Para sayo yan", matipid niyang sabi. Nakakunot parin ang noo niya.

"Para sakin pero------

Di na ako nakatapos sa sasabihin ko ng isinuksok niya sa bibig ko ang isang slice na pizza. Minsan talaga may pagka abnormal tong lalaking to. Kung di ko pa lang to kaibigan nasapak ko na to. Nakakagigil!!

Akmang kukunin ko na sana ang pizza sa bibig ko ng magsalita na naman siya uli.

"Kung di mo kakainin yan susubuan kita", di naman siguro siya nagbibiro. Pero pag ganyan na ang tono ng pagsasalita niya sigurado ako totohanin na niya. Yan talaga ang pinaka ayaw ko ang subuan ako sa harap ng maraming tao. My god!!!. Baka iisipin nila boyfriend ko to. May gf pa naman tong mukong na to. Baka mamaya niyan puntahan ako sa classroom at sasabunutan. Wag naman sana!!!.

"Ka---kakaiinin ko na po",

"Good", matipid niyang sabi sabay ngiti ng nakakaloko.

Kahit mahirap lunukin pinagtitiisan ko na lang. Mas mabuti na rin ito kesa sa subuan ako in public. My god, di ko talaga matake.

"Kumusta pala kayo ng girlfriend mo?", tanong ko sakanya ng matapos kong ubusin ang pizza.

Tumingin mona siya sakin bago nagsalita. "Okay lang", matipid niyang sabi. Di na siya nakatingin sakin ngayon, nakatingin na siya sa labas ng kantina.

Hindi na ako uli nagtanong. Alam ko na naman ugali nito. Mahilig sa babae. Liligaw-ligaw pag nagsawa na hihiwalayan. Ewan ko ba kung ilan na ang mga babae na napaiyak nito. Hindi ko naman masisi si Ivan kung bakit maraming babae ang baliw baliw sakanya. Gwapo ito, magaling manamit, may sariling bahay at kotse kahit na high school pa lang, may nakakamatay na tingin at nakakalusaw na ngiti isama mo pa ang dalawang pares na dimples.

"Buti naman at nagtagal kayo", pang-aasar ko sakanya. Ngumiti naman ito. Naku!! Ayan na. Ang ngiting nakakamatay. Pero di ako matatablan niyan may anting-anting kaya ako.. JOKE!!!

"Ikaw kailan mo balak mag bf?", napawi ang ngiti ko ng marinig ko ang salitang bf.

"Tsaka na pag tapos na akong mag-aral", walang kagana-gana kung sagot. Bakit pa kasi itatanong sakin yan. Alam niya naman na kahit kaibigan lang sapat na sakin.

"Sige ka baka tatandang dalaga ka niyan", siya naman ngayon ang nang-asar. Tumawa pa ng malakas ang kumag. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga estudyanteng naroon.

"Sige pag di ka tumahan sa kakatawa diyan baka pasukin ang tiyan mo ng masamang hangin", banta ko sakanya nakakainis kasi. Tumigil naman ito sa pagtawa.

"Sana hindi mo na siya isali sa FOTM list mo", ako naman ang tumawa. Tinignan niya ako ng masama. Kumunot ng bahagya ang noo niya.

"FOTM, ano yun?", nakakunot parin ang noo niya. Tumayo na ako. Sakto naman pagtayo ko tumunog ang bell. Dumampot ako ng isang fries. Nilapit ko ang mukha ko sa tainga.

"Flavor of the month", bulong ko sakanya sabay labas ng kantina. Narinig ko pang tinawag niya ako pero di ko na siya nilingon. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad patungo sa classroom ko.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 22, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Just One KissWhere stories live. Discover now