Panliligaw ng Nerd (One shot)

35.8K 780 180
                                    

Copyright © 2013 Panliligaw ng Nerd by littlemissselle | One shot story |

All Rights Reserved.

Credits to the owner of the picture used as the cover photo.

***

"Naks naman Trix, crush ka pala ni Jasper." sabi ng kaibigan ko na si Jan with matching siko pa. Sapukin ko kaya siya?

"Tss. Alam mo ikaw, naghihinala na talaga ako sa'yo. Bading ka 'no?"

"Siraulo 'tong babaeng 'to. Sinabihan ka na ngang may crush sa'yo 'yung hearthrob sa school natin tapos bading pa 'ko ha?"

Oo, si Jasper ang hearthrob sa school namin. Basketball player, volleyball player, prom king nung 3rd year at 4th year kami, matangkad, maputi, makinis, buhok pang kpop, at dancer. Sige na, siya na mulat na mulat nung nagsabog ng perfection ang langit.

Pero hindi ako maniniwala hangga't hindi siya mismo ang nagsasabi sa'kin. Tss. Pagkamalan pa akong feelingera dito, 'yoko nga!

"Eh ba't ka chismoso? Bading ka talaga eh!"

"Hay nako. Tara na nga don sa canteen!" at hinila na niya ako.

Pagkarating namin doon, ang ingay ingay. Malamang break time eh. May mga studyante na nakaupo sa table, mayroon namang magkakaharap na nga lang kung kumain eh nagsisigawan pa, mga bingi ba sila? At dahil busog pa naman ako eh, burger na lang ang binili ko at C2, eto namang masiba kong kaibigan na in denial pa rin sa gender niya eh, combo meal ang inorder.

Naghahanap kami ng mauupuan at nang makaupo na kami ay napadaan kami sa isang grupo ng mga lalaki, mga nagtatawanan sila habang kumakain. Katabi lang namin 'yung table nila...

UGH. Pansin ko ang pagtitig niya sa'kin... ni Jasper.

Inirapan ko siya, "Bakla, bilisan mo nga kumain!"

"Hoy hindi nga kasi ako bakla eh!"

"Whatever! Bilisan mo na lang!"

"Bakit ba-..." napatingin din siya kung saan ako nakatingin ng masama, "kaya naman pala. Hahaha! Haba talaga ng hair mo teh!"

"See? Bading ka."

"Leche ka talaga."

Pansin ko pang tinutulak tulak si Jasper ng mga kaibigan niya at siya naman eh pangiti-ngiti na lang. So gwapo ka na niyan? Pa-cute din 'tong isang 'to eh.

Finally natapos din si Jan at lumabas na kami ng canteen. Pagkalabas naman namin ay nakita namin ang pinakamatalino sa klase namin, close naman kami kahit papano. Naka-salamin, matangkad, okay naman ang katawan - hindi payat, hindi mataba, kaso ang bangs teh halos 'di na makita ang mata!

"Bryan! May quiz tayo sa Physics 'di ba? Paturo naman!" I smiled.

Panliligaw ng Nerd (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon