Moving In To My Ex’s House

by: areyaysii

Paano kung unexpectedly, napalayas ka sa apartment na tinitirahan mo? Tapos wala ka pang ibang kakilala na pwede mong tuluyan? Bestfriend mo, nakatira lang sa boarding house tapos puno na sila. Magulang mo nasa ibang bansa. Yung iba mong kamag-anak, nasa probinsya. Yung iba mong kaibigan, di ka mapatira sa kanila kasi riot na.

Anong gagawin mo?

A. Magmakaawa ka sa landlady mo na i-extend kahit ng isa pang linggo yung stay mo dun kasi wala ka talagang pera?

B. Tumira sa kalsada?

C. Maglakad pauwi sa probinsya?

D. Tumira ng palihim sa school niyo? Or pwede rin namang may consent ni manong guard.

E. Lumapit sa ex mo?