HUWAG

1K 64 26
  • Dedicated kay Para sa lahat ng malungkot
                                    

Malungkot ako.

Huwag mo akong tatanungin kung bakit. Kasi nga, malungkot ako.

Umiyak ako kanina. Ang totoo, ayaw lumabas nung luha. Ayaw. Pero pinilit ko. Gusto kong ilabas yung sakit na nararamdaman ko.

Bakit? Huwag mo nang itanong.

Malungkot ako.

Sinubukan kong tumawa kanina. Kahapon at nung mga nakaraang araw. Nanuod ako ng TV, kahit napaka-corny nung joke at nakakainis, tumawa ako. Tumawa ako. Huwag ka nang magtanong. Malungkot nga kasi ako.

May nag-chat kanina sa'kin sa facebook. Kamusta na daw, ako. Inimbita ako kung gusto ko daw sumama sa swimming. Natawa ako. Mapakla. Labas sa ilong. Ang sabi ko, hindi ako pwede, may gagawin ako. Pero ang totoo? Baka lunurin ko lang ang sarili ko sa sobrang kalungkutan.

Hindi ako suicidal, wag kang mag-alala. Methapor lang yun.

Nag-status ako kanina, ang sabi ko: "Failure doesn't define a person.."

May mga nag-like. Hindi ko alam kung naiintindihan nila ang totoong ibig sabihin noon.

Hindi dahil lumagpak ka sa lupa, hindi ka na marunong lumipad.

Hindi dahil hindi ka magaling sa Algebra, wala kang alam sa Math.

Hindi dahil nasagasaan ka, hindi ka na marunong tumawid.

Hindi dahil binalewala mo ang isang tao, manhid ka na.

Hindi dahil hindi ka doktor, hindi mo na alam na hindi nakakamatay ang lagnat.

Bakit ko nasabi?

Huwag mo nang itanong, dahil hindi ko sasabihin sa'yo.

Malungkot ako.

Pumasok yung nanay ko sa kuwarto kanina lang, habang isinusulat ko ito. "Maligo ka na. Kanina ka pa nandyan sa kwarto."

Bigla akong nahiya sa sarili ko.

Ganun pala kalakas ang epekto ano?

Hindi ko maintindihan dati, kung bakit napakababaw ng tao.

Marupok. Madaling masaktan.

Ang sabi ko.. "Okay lang 'yan.."

Hindi ko alam na nakakainis palang masabihan nun. Siguro yung sinabihan ko nun dati, gustong-gusto niya na kong sapakin n'on.

Pa'no mo nga ba masasabing "Okay lang 'yan."

Kung ang totoo, hindi naman talaga okay. Walang 'Okay'..

Ang okay lang eh.. Yung, okay lang na hindi ka maging okay.

Karapatan mo yun. Wala man sa batas 'yun, karapatan nang taong maging malungkot. Hindi ka makukulong, o hindi ka bibitayin kung malungkot ka.

Bakit?

Huwag mo nang itanong, dahil malungkot ako.

Ang sabi ko nga, hindi ako iiyak. Pero kapag nandun ka na sa sitwasyon, maiisip mo..

Wala ka nang pakialam. Kahit tulo uhog ka. Lumukot yung mukha mo sa kaiiyak. Kahit pumangit ka sa kaiiyak, wala ka nang pakialam.

Tao ka.. Nasasaktan.

Kaya napangiti ako nang maisip kong.. Normal ako.

Kasi nakakaramdam ako ng lungkot.

Huwag ka nang magtanong.

Kasi hindi ko masasagot ang mga tanong mo.

Hindi mo rin masasagot ang mga tanong ko.

Malungkot ako.

Pero bukas makalawa. O sa sunod na buwan.

Baka sa pasko. O sa New Year. O sa birthday ko.

Tiyak hindi na 'ko ganito. Dahil kahit may karapatan kang malungkot, mas lalong may karapatan kang maging masaya.

Hindi ko alam kung kailan. Basta ang alam ko..

Basta! Wag mo nang itanong.

*****

AN: Kasi nga.. weird ako. :/

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HUWAGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon