Chapter 1

70 2 1
                                    

"Waaahhh..." Malakas na sigaw ko ngunit matinis na boses ng babae ang narinig ko. Sumigaw uli ako ngunit ganun pa rin ang narinig ko --Isang malakas na boses na pambabae kaya napahawak tuloy ako sa lalamunan ko.

"Ang oa mo Ate! Parang ginigising ka nga lang!" Reklamo ng batang babae sa harap ko na tinawag pa akong ate.

Ate?

Nanlaki ang mata ko.

"Ba-bata..." Sabi ko pero agad din napatakip sa sarili kong bibig. Bakit boses pambabae ang naririnig ko?

"Ate okay ka lang?"

Lalong nanlaki ang mata ko sa tinuran ng bata sa akin. Inikot ko ang paningin at nasa isang di pamilyar na kwarto ako.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa isang kama. Muntik pa akong matumba ng makatayo. Laking gulat ko ng makita ang paa na maliit kumpara sa paa ko. Paa na gamit ko.

Yung paa ko! Lintik na! Asan ang mga paa ko?

Nanlaki ang mata ko ng makitang naglalakad ang maliit na paa kasunod ng kagustuhan kong maglakad papunta sa isang salamin sa dingding.

Dahan dahan akong pumunta sa salamin at kinakabahang napatingin sa sariling repleksyon.

Walang gwapong lalaki ang sumambulat sa akin.

Mukha ng isang babae na gulo gulo ang buhok, nakapajama at parang may natuyong laway pa sa may pisngi.

Tarantang luminga ako sa batang babae na tinawag akong ate kanina.

na may isang mas batang babae pa nagtatago na ngayon sa likod niya.

"A..asan ako?" Natatarantang wika ko na nauutal pa dahil di ako sanay na boses pambabae ako.

"Sa bahay." Ismid ng batang babae na parang nasa edad otso.

"Hindi ko bahay 'to." Mabilis na sabi ko.

"Sa'n ka ba nakatira?" Parang sarkastikong sabi ng bata. "Sa isang mansyon!?"

"Oo." Sagot ko.

"Na may mga katulong?"

"Oo.. oo." Medyo naexcite ako dahil mukhang may alam ang batang babae sa tunay kong pagkatao. Ibig sahihin kaya niyang ipaliwanag ang nangyayari sa akin ngayon.

"Na may malaking garden?"

"Oo." Tangu tango ako.

"Na may swimming pool na malaki?"

"Oo... oo yun nga!"

Umasim ang mukha ng batang babae. "Ay na! Nagdedeliryo ka pa rin Ate? Mataas pa rin lagnat mo?"

"Ano?" Inis na sambit ko. "Wala akong sakit." Sabi ko na pinasadahan ang sariling katawan ng tingin.

Nakapa ko ang dibdib. Hindi na ito gaya ng dati na matigas. Malambot na ito.

Shit! Baka nga talaga may sakit ako?
Ang dyahe naman! May sakit bang ganito? Yung tutubuan ka bigla ng boobs?

Napamura na lang ako na sadyang ikinagulat ng dalawang batang babae sa harap ko.

"Bata, anong ginawa niyo sa akin? Kinulam niyo ba ako? May kasalanan ba ako sa inyo? Anong kailangan niyo? Magbabayad ako kahit magkano?"

"Ate, nakadrugs ka ba?" Anang batang babae. "Hala na! Change is coming pa naman!"

"Bata, magbabayad ako kahit magkano. Ibalik niyo lang ako sa dati."

"Ni kuryente nga wala tayong pambayad Ate." Kamot kamot na wika ng bata. "Anak ni Nanay ka naman oh!"

"Hindi nga ako ang Ate ni--" Hindi na ako natapos magsalita dahil may nakita kong pintuan. Lumabas ako at may nakitang hagdan. Naglakad na ako pababa at tinungo ang labas ng bahay.

Napapikit ako ng mata habang nakatingala. Pilit kong inaalala ang mga nangyari.

Nasa classroom ako kanina at natutulog sa boring na discussion. Tama! Minulat ko ang mga mata at parang magic na nakita ko ang malaking building sa may di kalayuan.

Ang eskwelahang pinapasukan ko.

Kung tinawag akong Ate ng batang yun, hindi malabong...

Kinilabutan ako bigla. Hindi ako naniniwala sa magic o ano? Pero paano ko maipapaliwanag ang nangyayari sa akin ngayon.

Naglakad ako kung saan sa tingin ko ay papuntang eskwelahan namin. Nang makarating ako dun agad akong sinita ng guard.

Nakapajama pa pala ako o ang babaeng 'to.

Sino ba siya? Kaninong katawan ba 'to? Patay talaga siya sa akin pag nagkataon.

Nilampasan ko ang gwardya at nagtatatakbo papasok ng eskwelahan.

Hinabol pa ako ni Manong guard pero agad ko siyang naiwala. Lumabas na ako sa pinagtataguan ko ng mamalayang wala na ito.

Tinungo ko ang classroom number ko. Sumilip ako at nakita kong tulog ang sariling katawan sa sarili kong desk.

Walang ano ano'y pumasok ako at hinila ang kamay ng natutulog kong sarili.

Ang gulo!

Nanlaki naman ang mata ng professor namin at mga kaklase ko.

"Pinsan po ako." Palusot ko. "Emergency!" Dagdag ko bago pa maghinala ang lahat at baka ipatawag pa ang gwardya ng eskwelahan at mahuli ako.

Hinila ko na ang sarili ko paaalis ng classroom.

"Anong nangyayari? Genevive? Batang 'to talaga." Pupungas pungas namang sumunod si 'ako'. "Teka sa'n ba tayo pupunta--" Natigil siya sa pagsasalita, maya maya'y nagsalita uli. "Hello..." Anas nito sa malalim na boses. "Genevive? Hi! My name is... My sign is... My number is..." Kung ano anong wika nito na parang nagma-mic test sa boses niya ba.

"Hala anong nangyari sa boses ko."

Dun ko na siya binitawan at hinayaang kapain ang lalamunan niya.

Nasa may mini forest kami ng eskwelahan at may mangilan-ngilan ding mga estudyanteng dumadaan na tinatapunan kami ng tingin.

Kinapa niya ang lalamunan saka gulat na napatingin sa akin.

Namilog ang mata niya habang umiikot sa akin. Maluha luha itong tumitig sa akin ng diretso matapos akong ikutan, natutop ang bibig at tila di makapaniwala sa nangyayari sa amin.

Nangingislap pa ang mga mata nitong nagsalita. "May kakambal ako?!"

Ay tanga!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Red String of Switch!? [Jadine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon