Ma..Pa Happy Anniversary(Christmas Special)

175 3 0
                                    

Malamig nanaman ang gabi, mukang may mangyayari nanamang hindi ko inaasahan..

ganitong ganito ang pakiramdam ko mula pa nung pumasok ang buwan ng december.

ewan ko hindi ko ma-explain kung bkt, o ano tong nararamdaman ko.

(Pumasok ang malamig na hangin mula sa bintana ng kwarto ni jun-jun)

Haaaay.. napakalamig na ng panahon..nararamdaman ko ngang papalapit na  ang pasko..

pero ganun parin dito sa bahay..Napaka tahimik..nakakaboring...

kaya mas gusto ko pang may pasok

nalang e.

Dec  23 Last day ng pasok sa school... mukang sinusulit ng school ang pasok dapat bakasyon na e..tssss

KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING! (Nag alarm ang orasan)

Panibagong yugto nanaman ng  buhay..

pero mas okey to dahil papasok ulit ako at makakalabas ako sa napaka tahimik na bahay na to.

tumayo ako ng kama at nagligpit. Mag aala sais na ng umaga na nun. medyo mataas na ang sinag

ng araw. mukang maganda ang panahon..kinuha ko ang tuwalya ko at lumabas na ng kwarto para

kumain. paglabas ko ng kwarto ako nalang ang hindi na nakakaayos.. si kuya badz nakaupo sa

sofa sa sala nagbabasa si ate Bianca naman nasa harapan ng kalendaryo.

parang nagbibilang ng araw, mukang may importanteng lakad nanaman na binabalak si ate.

Si papa na sa garahe at pinpunasan ang kanyang mahal na sasakyan.

at si mama naman nasa kusina naghahanda ng almusal namin.

parang may kakaiba sa umagang to.

hindi ko lang matancha kung ano..

Ahhh oo nga pala yung aso naming si Chappi..nasanay kasi ako na pag lalabas ako 

tuwing umaga sa kwarto pagkagising e siya agad ang bumbungad sakin..

kaya lang wala na siya e.. sa sobrang katandaan na..

ewan ko lang aaah. nung pinanganak pa ata si kuya badz kasama na nila si chappi e..

pero mahal na mahal ko yung asong yun kahit na kalahating askal yun..

umupo ako sa harap ng lamesa..itlog, hotdog, ham its either lng naman sa tatlong ito ang

magiging agahan namin.. wala naman bago dun, maliban na nga lang kung may natirang ulam

nung gabi..

"Hoy Jun-jun! ano ba yan at nakatulala ka pa dyan, tawagin mo na mga kapatid mo at si papa mo

at nang makakain na tayo" Sabi sakin ni mama habang nag aayos ng pagkain sa lamesa.

"Kuya Badz! kakain na daw.." Siya si kuya Badz! 1st year college. ang pangalawa saming

magkakapatid..pag nandito yan sa loob ng bahay sobrang tahimik nyan at napaka masunurin kila

mama at papa.. pero pag kasama na nya mga katropa niya sobrang ligalig parang nakawala sa

hawla..e panu..may itinatago kasing lihim..eheehee.

"Ate Bianca Kakain na daw.." Siya naman ang panganay namin incoming 2nd year College..isang

simpleng babae dito sa loob ng bahay. pero pag sa labas feeling mayaman. pero napaka

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ma..Pa Happy Anniversary(Christmas Special)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon