Isabelle (OneShot)

433 18 7
                                    

This story is dedicated sa naging first friend co dito sa wattpad na tumulong sakin and encouraged me to do my best, ang supportive at mabait na c ATE ELLY. haha. LoveYou ate. ♥♥ Pasyensiya na kung ngaun co lang na upload ito..hahaha ^o^

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

“The moment you find the courage to give up your happiness for someone, would be the moment you understand Love...” 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Kumusta ka na? ako okay lang, isang Nurse na ako sa ospital kung saan tayo nagkita 12 years ago, nakakatuwa nga kasi naalala ko ung noon doon sa mga bata na inaalagaan ko..  

masaya ka ba dyan? alam mo, miss na miss kita, sana naalala mo parin ako, ang totoo niyan may sasabihin ako sayo, matagal ko na sana nasabi sayo kaya alng hindi ko pa sigurado noon pero ngayon sasabihin ko na..  

Mahal kita, at salamat.. hintayin mo ko, alam ko magkikita din tayo.."

 Sa buhay natin maraming bagay ang pwedeng mangyari, ung mga hindi inaasahan na bagay sa hindi inaasahang panahon,

 ung magmahal at higit sa lahat, mahalin ng walang hinihinging kapalit.  

Ung ipapakita sayo kung gaano kasarap mabuhay at ung sa sobrang saya mo kasama siya, parang ang bilis bilis ng oras,

ung narealize mo kung gaano kakulay ang buhay kahit na may ups and downs pa ito..    

At sa akin, natanggap co mula sa kanya ang isang regalong hinding hindi co makakalimutan kailanman….    

Habang buhay...  

======♪======    

Kalagitaan ng gabi noon, malamig ang hangin at tanging ang mga ilaw lamang sa poste ang nagbibigay liwanag sa daan.     Sa gitna ng katahimikan ay narinig ng mga tao ang isang malakas na banggan ng dalawang sasakyan. Agad isinugod ang mga biktima, dalawang lalaki at isang batang babae. Nakaligtas ang mga biktima sa binngit ng kamatayan ngunit malaki ang naging pinsala ng batang babae.    

 "Kawawa naman siya, naapektuhan daw ang kanyang mga mata at binti. Sayang at maganda pa man din niya." Sabi ng isang nars.    

Ang batang ito ay si Isabelle, ika sampung kaarawan niya noong araw ng aksidente.  

Sa kabila ng nangyari sa kanya, nanatili siyang masayahin at positibo dahil ayaw niyang malungkot ang kanyang mga magulang.

Ilang buwan na ang nakalipas at nasanay na si Isabelle sa kanyang bagong buhay.    

 "Anak dito ka muna ha, May pasyente lang si Papa." sabi ng ama ni Isabelle ng minsan nagpunta siya sa ospital.

Nakangiting sumang-ayon si Isabelle.      

Mayamaya pa ay may narinig siyang naglalakad. Umupo ito sa tabi niya.    

 "Good Morning kuya." Sabi ni Isabelle.  

 "Uh..Good Morning din..paano mo nalaman na lalaki ako? Hindi ba bulag ka?" tanong ng lalaki

"Dahil sa tunog ng pag lakad mo at sa.." sabi ni Isabelle.

 "Sa?" tanong ulit ng lalaki.  

"Sa..pabangong ginagamit mo,” sinabi ng nahihiyang si Isabelle.    

"hahaha, nakakatuwa ka naman ako nga pala si Luke." sabi ng lalaki.  

" Isabelle.." sabi naman niya.  

Isabelle (OneShot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon