#10: I don't want to be your friend

28.3K 292 37
                                    

[A/N: Happy Monthsary, babies!!!! Kota sa moments kanina, dapat ipagpapabukas ko na to pero madaming nagrerequest e di bahala kayo baka mabv pa kayo dito. Jk hahahaha happy happy. I love you Vicerylle babies! >:D< 1 year and 8 months and counting… to infinity and beyond! Thank you sa lahat ng heart-warming comments niyo sa stories ko. Request kayo ng songs thru Twitter @K3VForever… di ko man magawan lahat pero I swear pinapakinggan ko lahat ng suggestions… yung iba nahihirapan lang talaga kong gawan. <3 P.S. Hindi ko na to na proof read… sorry sa typos. Hehehe]

I don't want to see your face.

 Vice's POV 

Nasa taping ako ng GGV. Tinext niya ako kung nasaan ako, lagi naman siyang ganito, parang security guard... parang kailangan kong pumirma ng log in at log out kahit saan ako pumunta... nawala na yung habit niyang ganito e, hindi ko alam kung bakit ayan nanaman siya. 

Pang 10 missed call na niya. Nakakapikon.

Kaya nung tumawag siya....

"Karylle, ano ba! Nasa ggv ako hindi ako makapagtrabaho sayo e. "

Hindi naman siya sumagot sa kabilang linya.

"Tatanungin ko lang naman kung sa condo ka matutulog mamaya. "

"Oo sige. "

Pinatay ko na yung telepeno. Hindi ko alam kung ano yung tamang salita sa nararamdaman ko... nasasawa? Nasasakal? O baka naman hindi ko nalang siya mahal.

Mahalaga siya pero hindi ako sigurado kung mahal ko pa siya. Noong una sobrang saya ko, yung halos araw araw magkasama kami sa trabaho, ang sarap magtrabaho, yung pagluluto niya ko, yung sabay kaming uuwi saka papasok, yung masaya lang kami... hindi ko rin alam kung kailan nagsimula. Pero parang recently, parang nawala yung spark.

Siguro nga wala ng patutunguhan 'to. Baka nga eto na yung paraan para hindi na kami masaktan lalo.

Mamaya.

Mamaya makikipagbreak na ako.

I don't wanna hear your name.

Karylle’s POV

February 14, 2013. The day I felt na ako na ang pinakamagandang babae sa buong mundo…. Bakla si Vice. Alam ‘yon ng lahat, pero kahit na bakla siya, kahit na anong sabihin ng iba, for me he’s perfect.

Ano bang nagbago after almost 8 months? We were perfect. Ideal couple kahit na individually we’re not even close to perfection pero we complement each other. We go together kahit saan.

Nafall out na nga ba siya? Clingy nga ba ko? Natatakot lang naman akong mawala siya sakin….

Mahal pa ba ko ni Vice?

He used to tell me na kahit anong mangyari, lagi ko daw tatandaan na mahal niya ko. Pero bakit kanina nung tinawagan ko siya…hay Karylle.

“Karylle, si Vice? Hindi ba siya darating?”

Anong isasagot ko kay Papa? Ngumiti nalang ako.

“Busy siya, Pa eh. I understand naman, and he said good luck. We’ll see each other after the gala night”

Oo. Gala night ng Cinderella ngayon pero mukhang nakalimutan ni Vice.

Napakasakit na kailangan ko pa siyang pagtakpan para hindi na lumaki yung gulo…

Kahit good luck sa text wala, nakalimutan ba niya o wala nalang siyang pakialam? Galit pa siya na tinatawagan ko siya e.

It’s Showtime, Cinderella.

ViceRylle One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon