CHAPTER TWELVE

34.7K 125 6
                                    

"Itaas mo pa konti!"

"Ganito?" Tanong ko dito ng hindi ito nililingon.

"Sandali hindi pantay angat mo pa!"

"Ganito?" Inangat ko naman ito kaunti.

"Konti pa!"

Hirap na hirap na ako sa kakahawak ng tarpaulin na ito,"Ganito?" Nag aayos kasi kami sa hall ng culinary arts department dahil dito namin iseserve ang mga guests sa upcoming event ng School.

"Tabingi!"

"Ahhh tek! ganito?" Naiinis na sigaw ni Ayen dito, ito kasi ang kasama kong nag aayos ngayon habang si Bam ang tumitingin kung maayos ito. Pareho kaming nakatuntong nito sa mono block chair dahil may kataasan ang paglalagyan namin nito. Halos lahat ng estudyante ay busy sa kanya-kanyang gawain.

"Hindi Ayen! Ibaba mo naman ngayon masyadong high girl!"

"Ano ba talaga? Ganitooo???" Inis na inis na turan nito. Kanina pa kasi namin ito inaayos, nakakangalay na.

"Galingan mo naman girl hindi pantay!"

"Nanggagago ka ba Bambrysce?! Ani Ayen.

"Shoookkksss ikaw nga dito!" Halos sabay lang kaming sumigaw nito.

"Hahahaha hindi na! Yan na! Okay na!" Pambihira! Sinasabi ko na nga ba.

"I hate you!" Sigaw naming pareho ni Ayen dito.

"Hahaha I love you two more hahahaha." Tatawa-tawa nitong turan sa amin.

First day ng preparation sa Imperial University lahat ng departments ngayon ay busy, ang mga atleta naman ay puspusan sa pag eensayo sa papalapit na sports fest kaya kalahating araw ko ng hindi nakikita si Jax. Kumusta kaya ito? Malandi ka Charlotte! Fuuuu Nababaliw na naman ako.

"Pengeng ponytail Ayen..." Init na init na kasi ang pakiramdam ko, tagaktak na din ang pawis ko. Nakabukas naman ang aircon ngunit pakiramdam ko'y hindi sapat ang lakas non para pawiin ang init na nararamdaman ko ngayon.

"O!" Abot nito sa akin ng panali, madami kasing ponytail ito. Hindi ko alam kung bakit ang daming panali nitong dala-dala sa bag nito. Pero useful iyon hahaha.

"Paki tali naman pataas ang bangs ko, salamat." Paki usap ko dito at inilapit ang mukha ko, may hawak kasi akong pin at medyo malagkit ang kamay ko ngayon, ikinakabit naman kasi namin ngayon ang letterings na ginawa ni Cariño. May mga kasama pa kaming second year din, habang ang third year naman ang bahala sa pagdedecorate ng tables.

"Bangs lang? Lahat na, pawis na pawis kana.. Ako ang nanlalagkit sayo girl.." Anito sa akin.

"Bahala ka bilisan mo ang init!" Ani ko dito at nag squat ng kaunti, halos magkasingtangkad lang naman kami nito ngunit baka hindi nito matalian ng maayos ang buhok ko, ayoko pa naman ng masyadong maluwag ang pagkakatali nito ngayon.

"Pres san ilalagay ito?" Tanong ni Cariño sa tabi ko.

"Sa wall." Sagot ko dito ng hindi tumitingin.

The Fake Girlfriend Of The Campus KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon