CHAPTER SIX

38.6K 142 13
                                    

"May dress kana ba girl?" Bumaling kami kay Ayen ng magsalita ito.

Nandito kami ngayon sa open field ng school kung saan nagpapractice ang mga soccer player ng school. Mas nabibilib akong panoorin ang mga ito kaysa sa basketball, siguro dahil sa mas flexible ang mga itong gumalaw kaysa sa isang basketball player though I like basketball also ngunit mas lamang ang soccer para sa akin.

"Hindi nga ako nakapili." Sagot ni Bam dito.

"Dress? For what?"

"Duuuhhhh yung pa party nang EX ng boyfriend mo!" Sigaw nito sa akin.

"Fake boyfriend.."

"Whatever!" Sagot lang nito.

"Wag ka ngang excited Bam you still have two weeks to prepare." sagot ko dito. "Nagmall naman kayo nung nakaraan ah ba't hindi parin kayo nakapili?"

"Wala kaming magustuhan. Kaya Ayen mag order ka na lang ng dress sa France." Baling na tanong nito kay Ayen.

"Wow! Napaka sosyal nyo naman. Parang dress lang kailangan pang sa ibang bansa kuhanin." Masyadong mawaldas sa pera ang mga ito.

"What?? Tatalbugan ko yang si Valerie ano! So ugly! Campus princess? Mas maganda pa nga ako!" At nag flip pa ng buhok ito. Ewan ko ba dito't asar na asar kay Valerie, wala namang ginagawa sakanya yung tao.

"Mas maganda tayo girl!" Panenegunda ni Ayen dito.

"Yes! Tayo! Damay na natin si Charlie baka mag emote hahaha." at pinagtawanan ako ng mga ito. Inambaan ko sila ng suntok na lalong ikinatawa ng mga ito.

Tinignan ako ni Ayen, "Ikaw Charlie oorderan din kita ng dress okay."

"Hindi na Ayen, I don't mind attending. Ayokong pumunta." Totoo naman ayoko talagang umattend, ayokong nakikihalubilo sa madaming tao nasusuffocate ang pakiramdam ko.

"Kuuu akala ko ba inaya ka ni Kairo." Sagot nito.

"I ba-blackmail ka na naman nun pag hindi ka pumunta hahahaha." Pang-aasar ni Bam sa akin.

"Ayyyyttsss I don't like wearing dress okay? Allergic ako sa party. Kayo na lang. Magdadahilan na lang ako."

"Hahaha yeah yeah let's see." Anito.

"Levi is so pogi right girls? Yiiieeee..." Goal keeper ito ng soccer team, nakakabilib maglaro ito. Tinanguan ko na lang si Ayen mahilig talaga ito sa mga gwapo, ngunit totoong may itsura ang Levi na ito. Nanliligaw ito kay Ayen isang buwan na din siguro, sometimes sumasabay ang grupo ng mga ito sa amin sa canteen kaya nga ang daming naasar sa amin idagdag mo pa ang grupo nina Jax ngayon.

"Pogi pala Ayen bakit hindi mo pa sagutin." Ani Bam dito.

"Pag pogi ba kailangan sagutin agad?" Anito sa akin.

Napangalumbaba ito sa railings ng open field, "Hindi, pero para matigil na ang kaka irit mo pag nakikita ito sagutin mo na para hindi kana mahirapan hahaha." Sagot ni Bam dito.

The Fake Girlfriend Of The Campus KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon