CHAPTER THREE

50.9K 183 28
                                    

Busy ako kakalaro ng piano tiles ng mag vibrate ang phone ko kaya tuloy nag lag ang phone ko dahilan para iba ang mapindot ko, "Gadhhhh maaabutan ko na yung rank one.. Konting konti na lang!! Istorbo!" Habang pinupukpok ang screen ng phone ko sa inis. Sino ba kasing mag tetext ng eleven thirty na ng gabi.

Tinignan ko ang screen ng phone ko. Naku! Ano na naman bang kailangan nito!

Handsome king
* Hoy!

Gabing gabi na istorbo!

* O? (Reply ko dito)

Nagvibrate naman kaagad ang phone ko.
Bilis magreply ah.

* Accept mo ako sa FB.

* Why? Pati FB ko gusto mo na ding I invade?

*shut up! Bilisan mo kung ayaw mo I popost ko yung picture mo!

"Ayyy black mailer kang kumag ka!" Sumigaw ako sa kwarto, bale sound proof naman ito hindi ako maririnig ni kuya.

* Oo na! Wait! (Sent)

Binuksan ko ang FB ko at nakita ko ngang may friend request ang kumag. Tinignan ko ang profile nito. Laahhhh ganito ba to kasikat? 500+k likes? Followed by 650,567 people. Wo? Amazing! Hindi pa artista to sa lagay na to.

Ini scroll ko pa ang wall nito. Andaming nagpopost sa wall nito puro babae, mga ka ek ekan sa buhay.... quotes, drawing ng puso, laahhhh may edited pang photo na parang nakahalik ito sa isang babae.. Hahaha epic napaka OA... Madami pang iba scroll lang ng scroll galing umanggulo ng gagong Sandejas na ito. Psshhhh oo na sya na gwapo, alangan namang sabihan ko sya ng harapan lalong lalaki ang ulo nun.

Nagvibrate na naman ang phone ko pero hindi na text iyon, tumatawag ang kumag. Sinagot ko iyon.

"Wéi?" Ako

"Wag mo kong ma way way way dyan!" bakit ba ang hilig sumigaw nito. Oo nga pala! Nasanay kasi akong sumagot ng "Wéi" pag may tumatawag sa akin.

"Tek na Sandejas hanggang sa pagtawag ba naman sumisigaw ka!" Gumulong ako sa kama ko at dumapa.

"Ang tagal mong I accept, nawiwili ka sa mukha ko ano?" Kahit hindi ko nakikita ito na imagine ko ang pilyong ngiti nito.

"Shut up! I a-accept ko na... Tumawag ka lang..." Kasabay non ang pag confirm ko sa friend request nito.

Matagal na katahimikan akala ko binaba na nito ang tawag dahil wala ng nagsasalita sa kabilang linya, "Ano na Sandejas? Napipi ka na ba?"

"You're noisy! Wait I'm doing something."

Bumubulong bulong ako habang ginagaya ito, "You're noisy! Wait I'm doing something." "Arte!" Nilayo ko ng bahagya ang phone ko at sinusuntok suntok ang profile picture ng kumag na Sandejas na ito.

"I heard you. You blabber mouth!"

"Wo? Sapak you want!"

Nag vibrate ulit ang phone ko at may notification galing sa FB ko.

Kairo Jaxtyn Sandejas
Sent a in a relationship request

Confirm Ignore

Kinusot kusot ko pa ang mata ko at halos ilapit na ang mukha ko sa screen ng cellphone ko. Tek? Nababaliw na ba ito? Kukuyugin ako ng mga fans nito. Wala na! Pati social life ko sa internet ma I invade na! Baka bukas makalawa may mag send na ng death threats dito sa bahay!

The Fake Girlfriend Of The Campus KingWhere stories live. Discover now