Ballpen & Essay (Oneshot)

601 15 6
                                    

"Kisha!"

"Ay naknaman nang-- oy! ano bang problema mo?"

"Naman kasi Kisha kanina pa'ko dada ng dada dito hindi ka naman nakikinig"

"Sorry naman, ano ba kasi yun?"

Busy kasi akong magdaydream sa crush kong si Daniel Padilla ay este Daniel Cruz. Tehee

"Girl a--"

"Ay hinde Janet. .  boy ako. .  boy--sabi ko nga Girl ako e, hehe"

sinamaan na ko ng tingin e. Huhu

"Alam mo bang halos mamatay na ko dahil sa project natin sa Mapeh?"

"Hmm-hmm" sabay tango ko at tingin sa kawalan

"Tapos may gagawin pang essay ang lahat ng sections para sa subject ni maam terror na yon sa English! kaasar"

"Hmm" tumango ako habang nakatulala parin sa kawalan at iniisip si Daniel my luuuvs

"Hoy babae, nakikinig ka ba? sabi ko merong gagawing Essay ngayon ang lahat ng sections para sa English!!"

"I love you Daniel I lo-- ay naknang! MERON TAYONG GAGAWING ESSAY NGAYON SA ENGLISH?" sigaw ko at palo sa desk.. nyemay may Essay?!

"Ba't ka naman napasigaw jan?" tinakpan niya ang tenga niya at nagpout

"Sa wala akong ballpen e. ." totoo naman eh

"Sus, para yan bumili nalang tayo sa Mini-bookstore dito sa school bago pa mag be--"

KRINGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG!!~

"Hala, nagbell na, sorry Kisha wala akong dalang extrang ballpen ngayon e, goodluck nalang kay maam terror" sabay pat nya sa balikat ko 

"Try mong manghiram sa mga classmates mo."

"Hay okay Karen thanks." tumayo na kaming dalawa at pumunta na sa kanya kanyang room

Lagut ako kay M.T. ngayon. Huhubels talaga ang malas!  

C L A S S R O O M

"Oy, may extra ballpen ka pa?" -ako tanong ko dun sa katabi kong nagbabasa ng libro

"Wala" simpleng sabi niya pagkatapos akong lingunin.  Hmp kaya tinanong ko naman yung nakaupo dun sa harapan ng upuan ko

"Uy, may ballpen ka pa ba dyan?"

"wala akong ibang dala e" sabi niya ng di ako tinitingnan. Ang damot nila sa ballpen!  Ahuhu..huhu.hu

"Uy pahiram nga ng ballpen!" -ako na naiiritang nanghihiram ng ballpen

"o" sabay abot sakin ng ballpen ng classmate ko na nakaupo sa likod ko *can I jump up and down naaaa?

"WAAAH! thank you! salamat! arigato! sheshe! komawo--" sabi ko habang nagbabow ng hinablot niya sakin yung bp

"Ay sorry Kisha gagamitin ko pala Hehe" sabay peace sign ng gaga.

laser beam on +________________________+

And the asking of borrowing pen continues. .


12 minutes later

NO!!!!!!!! W-wala parin akong ballpen! *le goes hysteric

kaya no choice kung hindi magpaalam kay terror na bibili ako ng ballpen. .  natandaan ko nanaman si George, classmate ko yan, nasusupend lang dahil walang ballpen. . 

Ballpen & Essay (Oneshot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon