Prologue

824 14 2
                                    

ALAS SYETE PA LANG ng umaga ay nakatunganga na ang bagong-paligong si Liberty Roxas, sa bintana ng kanyang silid na animo'y hinugot mula sa larawan ng isang Fairytale book, o kaya nama'y pag-aari ni Barbie. Pink ang bed cover ng malambot at malapad niyang kama na nasa kanang gitna ng silid, may katabi iyong pink night stand na napapatungan ng dark pink alarm clock.

Sa kaliwang bahagi ng silid ay makikita ang isang pink full-size mirror sa gitna ng kanyang walk-in wardrobe na may iba't ibang klase ng princess-style dresses.

Umalis siya sa harap ng bintana at tumungo sa harap ng isang kulay pulang mesa kung saan nakapatong ang isang pink na modern na laptop.

Tumingin siya sa malaking hugis-pusong salamin na nakasabit sa itaas ng mesa at bahagyang inayos ang hanggang-baywang niyang dark brown na buhok; sinuri na rin niya ang hugis-almond niyang mga mata na namana niya sa ama.

Dinampot niya ang lip gloss na nasa mesa at nilagyan ang maliliit niyang mga labi, pagkatapos ay kumuha ng isang fairytale novel sa kulay pink and white niyang bookshelves at dumapa na sa kama.

Nakataas ang binti mula tuhod nang binuklat niya ang libro. Hindi nagtagal ay napuno na ng kinikilig niyang hagikhik ang buong silid.

She was just getting to the good part when someone knocked on her door.

"Bukas 'yan," labag sa loob na wika niya sa kumakatok.

Bumukas ang pinto't nagpakita ang isa sa lima nilang katulong sa bahay. Ito ang pinakabata, twenty-three, kaedad niya lang.

"Senyorita, may tawag ka," wika nito habang tinatakpan ang speaker ng dalang cordless phone.

"Kunin mo na lang ang number niya, Mari, at sabihin mong tatawagan ko na lang siya mamaya."

Ginawa nga 'yun ni Mari habang siya naman ay pabalik na sana sa binabasa nang muling magsalita ang katulong. "Senyorita, tinatanong kung after how many hours daw."

"Ewan ko, hindi ko alam, maybe after two hours?"

Sinabi iyon ng katulong sa telepono at muling tumingin sa kanya. "Senyorita hindi daw maari dahil magiging alas-dos na raw ng madaling araw doon, tulog na raw siya nun."

"Sino ba ang tumatawag?" Nangungunot na ang noong tanong ni Liberty, sa lakas ng tinig niya siguradong narinig iyon ng nasa linya.

Sa halip na sagutin siya ay humakbang palapit sa kanya si Mari at itinuon ang telepono sa tainga niya.

"Hello, hello?" narinig niyang bati ng nasa kabilang linya.

Sinara niya ang libro at mabilis iyong isinantabi nang marinig ang tinig ng tumatawag.

"Auntie Francesca! Hello!" masayang bati niya sa tiyahin at sinenyasan na si Mari na iwanan na siya. Nakababatang kapatid ng Daddy niya si Francesca. Fifteen years na itong nasa France at nakatira kasama ng Frenchman nitong napangasawa.

"Ikaw naman, Auntie, bakit hindi mo agad sinabi na ikaw pala ang tumatawag?" aniya na tinawanan lang ng nasa kabilang linya.

"Kumusta ang Pilipinas?" tanong nito.

"Tulad pa rin ng madalas, mainit kaya nga nag-decide akong magkulong sa bahay."

"Aren't you always inside the house?"

Siya naman ang tumawa sa tinuran ng tiyahin. Well, totoo naman kasi, bilang isang proud bookworm wala nang mas exciting pa kaysa sa manatili sa loob ng bahay saka magbasa at magsulat.

"Kumusta ka na, Auntie? Nakabuo na ba kayo?"

Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng thirty-nine-year-old niyang tiyahin. At sapat na iyon para malaman niya ang kasunod nitong isasagot.

"Wala pa rin, hindi pa rin ako lumolobo. Siguro kung lolobo man ako ay dahil na sa taba. Hindi ko talaga maintindihan. Pareho naman kaming walang diperensya ng uncle mo, pero bakit hindi ako mabuntis?" mangiyak-ngiyak na wika nito.

Nais niya na talagang i-suggest rito ang in vitro fertilization pero alam niyang masyadong religious ang Auntie Francesca niya para sumailalim sa ganoong paraan ng pagbubuntis, kung kaya nanahimik na lang siya at sinubukang paluwagin ang loob nito na madali naman niyang nagawa.

"Siya nga pala, kumusta ka na?" ani Francesca.

"Heto, okay lang."

"I heard, you know."

"What?"

"Pinagmamayabang ka ng Daddy mo sa kahit sinong makausap niya. And he told me last time, published author ka na raw? Congratulations!"

"Thank you po," nakangiting pasalamat niya at napasulyap sa pink niyang laptop na nakabukas pa ang word processor na ginamit niya para sa katatapos lang na second volume ng fantasy novel series na isinusulat.

"Hey, baka naman binayaran ni kuya ang kompanya para tanggapin ang libro mo."

"Auntie naman!" may ngiting angal niya dahil alam niyang binibiro lang siya ng tiyahin. "Dad's rich, but he won't spend it to make a fool out of me. Bumilib ka naman sa talent ko!"

Ang librong sinulat ni Liberty ay hindi lang basta mula sa kanyang isipan, kundi iyon ay ang mga pangarap niya. Ang magkaroon ng mala-fairytale na love story at syempre ang mapa-in-love ang isang prince charming.

Like Snow White... isip niya na saglit na nag-daydream.

"Oh yeah, padadalhan kita ng kopya, Auntie! Bukas na bukas din tutungo ako sa Post Office," masiglang wika niya, umalis siya sa kama at tumungo sa drawer kung saan niya nilagay ang author's copy niyang natanggap.

"Huwag na," wika ni Francesca na siyang nagpabagsak sa balikat niya.

"Bakit naman?" nakangusong tanong niya.

"Well, bakit mo pa ipapadala kung pwede namang ikaw na ang personal na mag-deliver sa akin?"

Nanlaki ang mga mata niya. "Auntie, iniimbita mo ba akong pumunta sa France?"

"Yes, I am."

Tumili siyang nagtatalon.

"I'll take that as a yes?"

"Yes, yes! Kailan ko kailangang umalis?" tanong niya.

"Sa wakas ay naayos na rin namin ang bagong bahay na pinatayo namin sa Ardenne kaya okay lang kahit kailan mo gustong magbakasyon rito. Just call beforehand para naman makapaghanda kami."

"I'll prepare right away."

"Okay, maghihintay kami."

"Okay, bye."

Pinindot niya ang end call button at hinagis ang telepono sa kama. Nagtatalon at sumasayaw na kumanta ng "I'm going to France!"

Hindi 'yun ang first time na tutungo siya sa France, but the idea of going there again was still very exciting for her. Kapag naririnig kasi niya ang "France," naiisip niya ay "Prince." At ang Ardenne ay hindi gaanong kalayuan sa Paris, mga two-hour drive lang. At kapag nai-imagine niya ang Paris, love pops into her head.

So she's going to France! At sa pagkakataong iyon ay sisiguraduhin na niyang matatagpuan ang everlasting love na kanyang hinahanap.

A French FairyFail (A Filipino Novel) -Preview chaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon