Prologue

9 1 1
                                    


"Pen! Aalis ka na? Iiwan mo na ako?"

Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses na iyon.

"Zee?"

"Pen!" at tuluyan na nga siyang yumakap sa akin.

"Zee..." ayokong umiyak, ayoko.

"Akala ko ba..walang iwanan? Pen naman eh.."

"Zee..I'm sorry."

Tuluyan na akong umiyak. Ang sakit. Ayokong makita siyang ganito.

"Pen..huwag ka nang umalis. Please. Mawawalan ako ng bestfriend."

"Hindi ka mawawalan ng bestfriend. Hindi kita kakalimutan. Zee, tandaan mo yan. Babalik ako..babalikan kita."

Humarap sa akin si Zee.

"*sniff* Totoo? Aasahan ko yan, Pen. Hihintayin kita."

"Oo..oo. Babalik ako. Walang kalimutan, ha? Promise?"

"Promise!" at nagpinky swear kami.

"Peia! Aalis na tayo."

Hala! Tinatawag na ako ni mommy.

"Zee, aalis na kami."

"Hays. Aalis ka na talaga. Sige, Pen. Mag-ingat ka dun, ha?"

"Oo, Zee! Ikaw din dito, mag-ingat ka. Tandaan mo ha? Walang kalimutan!" at muli kaming nagyakapan

"I love you, bestfriend Pen!"

"I love you too, bestfriend Zee!"

---

Bigla akong napabangon.

Eto na naman.

Muli na namang bumabalik ang mga alaala ng nakaraan.

At muli na naman akong umiyak.

Hindi ko ginustong iwan ka, Zee.

Kaso ngayon, tuluyan ka na ngang nawala.

Pero, yung promise natin sa isa't-isa naaalala mo pa ba?

Kasi ako, oo.

"Penelope! Bakit ka umiiyak?"

"Selene..."

"Siya na naman ba?"

Tumango na lang ako sa kanya.

"Penelope, it's been 10 years! Move on!"

"How can I move on? He's my first and last love. Siya lang minahal ko ng ganito."

"Sa tingin mo ba, ganun din siya?"

Dahil doon, agad akong napatahimik.

"Naaalala pa kaya niya yung pinky swear niyo?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 28, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Pinky SwearWhere stories live. Discover now