IV. SINONG MAY SALA?

17.4K 378 443
                                    

Ayon sa imbestigasyon, nawalan ng preno ang sinasakyan nina Ian at Niko dahilan para mabangga sila. Mabilis kumalat ang gasolina na nagresulta ng pagsabog.

Ngayon nga ay wala na rin sina Ian at Niko.

“Boss, may problema ba?” tanong ng taxi driver kay Daryl.

Hindi nakasagot si Daryl.
Tuliro kasi siya.
Nag-aalala.
Nanlulumo.

Sa tuwing umaarte si Daryl, lagi niyang ibinubuhos ang emosyon niya.
Pero hindi niya iyon kayang gawin sa tunay na buhay.Hindi niya kasi ugali na ipakita sa iba ang nararamdaman niya.

Ngunit tila iba siya ngayon.

Naging malaking dagok para sa kanya ang pagkawala ng kanyang mga kaibigan.

Ni Cindy.
Ni Apple.
At ngayon ay nina Ian at Niko.

Sino pa ang susunod?

Si April?

Si Sandy?

Si Joyce?

“Si Joyce!” nasabi ni Daryl. “Manong, pakibilisan po! Sa San Victoria University tayo!”

Pagdatinh sa University, dumiretso agad si Daryl sa kuwarto ni Joyce.

“Joyce! Joyce!”
Kumatok siya.

Walang sumasagot.

Bukas ang pinto kaya itinulak na lang niya.

Bigla siyang kinilabutan.

Pakiramdam niya kasi ay may mga matang nakamasid sa kanya.

Nilibot niya ng tingin ang buong silid.

Wala namang kakaiba.

Sadyang tahimik lang.

Napansin ni Daryl ang isang notebook na nasa kama ni Joyce.

Sigurado siya na kay April ang notebook na iyon.
Pero bakit nasa kama ni Joyce?

Kinuha iyon ni Daryl at tiningnan.

---Nabangga si Cindy ng Trak.

---Nalaglag si Apple mula sa Third floor.

---Sumabog ang sinasakyan nina Ian at Niko.

Ang sumunod… nalunod sa bathtub.

Ang pinakahuli, ako na mismo ang papatay!

Nagulat si Daryl sa kanyang nabasa.

Tumingin siya sa kanan.
Sa kaliwa.
Bago siya tumakbo papunta sa C.R.

“J-Joyce?” sambit niya.

Natigilan siya nang makita ito na nakalublob ang ulo sa bathtub.

“H-hindi! Joyce!”

Hindi niya mapaniwalaan ang nakikita.

Parang kailan lang nang makilala niya si Joyce.

Sabay silang nag-audition para maging artista, pero nauna siyang matanggap.

Another year pa bago nakapasok si Joyce.

Napaka-sweet ng smile nito.

Ang hilig din nitong magpakita ng affection na kung minsan ay nagiging dahilan para mairita siya.

Totoo.

Ayaw na ayaw niyang lalambingin siya nito, pero hindi ibig sabihin no'n ay ayaw na niya kay Joyce.  Importante ito sa kanya.

Row OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon