Chapter 2: "Big Surprises, Double the Pleasure"

191 2 1
                                    

“I am tired. Kailan ba papasok ang pinalit mo kay Nikki? Tinatamad na ako, hindi ko alam ang gagawin ko. Kalat kalat na ang gamit ko.” Reklamo ni Jeremiah ng umagang iyon.

            “Pare, maghintay ka na lang. Malay mo ‘pag dumating siya, magulat ka na lang at sobrang ayos na ng gamit mo.” Sabi ni Kenneth. Bihira ito marinig magsalita ngunit once na bumigkas ito ng salita ay mabibighani ka sa nilalaman ng mga salitang ‘yun.

            “I hope na may magandang consolation sa’kin ang babaing ‘yon. Kahit naman siguro hindi siya maganda ay baka naman sexy siya o kaya naman may konting tinatago.” Nakapikit ito habang nag-iimagine.

            “Manyak ka talaga. Paano mo naman nasabi na hindi siya maganda?” Agad na tanong ni Kenneth. Kita rin dito ang pilyong ngiti sa mga kababaihan. “‘Pag siya maganda, akin na lang siya.”

            “Aba, Pare, walang sulutan ng secretary.”

            “Ehh, akala ko ba si Enisce ang mahal mo?”

            “Mali ba ang konting fun with girls? Alam kong Enisce chose a right girl for me, hindi man siya maganda.”

            “Jeremiah Hermes, kanina ka pang hinihintay ng secretary mo sa baba. Why don’t you let her in your office?” Agad na bumungad sa pintuan si Enisce na siyang pinakamaganda pa rin sa paningin niya.

            “Yes, my love, ako na ang magpapatawag sa kanya. Tatapusin ko lang ang pakikipag-usap ko kay Kenneth.” Nakangiti ito. Isang malakas na tunog ng pagbagsak sa pinto ang nakuha niyang reply mula dito. “Kung alam ko lang, mahal mo rin ako. Malakas na sabi niya.

            “Corny ka talaga. Sige, mauna na ako. Babalik na ako sa trabaho ko. Goodluck kay Carmina. She’s good. I guess.” Agad na labas din sa pinto ni Kenneth.

            Habang naglalakad si Carmina ay hindi mawala ang kanyang kaba. Parang ngayon lang niya naramdaman ang ganoong klase ng pakiramdam. Nakita niya si Ms. C habang naglalakad siya. Nakita rin niya itong may kausap, hindi kaya ito na si Jeremiah. Maputi ang lalaki. Hindi naman katangkaran at sobrang ganda ng mga mata. Ang mga labi nito ay hawig sa mga babae na mapupula.

            “Carmina, you’re here. Kanina pa naghihintay si Jeremiah sa’yo sa taas.” Nakangiti ang kanyang dating boss.

            “Siya ba si Carmina? Maganda siya, nagkakamali si Jeremiah. Tiyak, magugustuhan niyang habang-buhay ka nang magtrabaho sa kanya.” Wika ni Kenneth na mas gumuwapo nang ngumiti sa kanya.

            “Ay, siya nga pala si Kenneth. Carmina Benilde si Kenneth Malizon. Kenneth si Carmina. Carmina si Kenneth ang isa sa mga may-ari ng kompanya.” Nakangiti rin si Enisce. Kung hindi lang magkatrabaho ang dalawa ay bagay na bagay rin si Kenneth kay Enisce.

            “Kung siya po ay si Sir Kenneth? Nasaan po si Sir Jeremiah?” Tanging tanong niya.

            “Puntahan mo na siya sa kuwarto niya. Tiyak kakainin niya lahat ng sinabi niya sa’yo a while ago.” Nakangiti si Kenneth sa kanya.

            “Ang kuwarto ni Jeremiah ay sa Room 04.” Sabi ni Enisce sa kanya. Ang mga may-ari ng Pevensie Corp. ay may sari-sariling mga kuwarto. Ang lahat ng iyon ay nasa 24th floor ng main building ng kompanya. Si Enisce ay sa Room 02 at ‘yon lamang ang alam niyang kuwarto sa floor na iyon.

            “Sige po mauuna na ako.” Umakyat na si Carmina gamit ang elevator.

            “I guess, maganda talaga ang Carminang iyon at magugulat ng husto si Jeremiah.” Sabi ni Kenneth. “Sabi nga ni Jeremiah, hindi ka ba talaga magseselos?” Nanunukso si Kenneth.

"Impressions"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon