Prologue: "The Special Meeting"

229 1 0
                                    

            12:00 nn!

            Yun ang gumising sa tulog na isip ni Enisce. Almost two hours na siyang nasa gitna ng kalsada ay ‘di pa rin siya nakakaalis sa posisyon na kinaroroonan niya. Naiinip na siya, ang ayaw pa naman niya sa lahat ay ang pinaghihintay. Mula sa kinuupuan niya ay nagring ang cellphone niya.

            “Hello.” Matamlay na bati niya, ang nasa kabilang linya ay ang kanyang kaibigang si Enriko. “Teka lang, hindi na ako makaalis dito sa EDSA, trapik nga. Alam kong late na ako pero maghintay ka naman.”

Binaba na niya ang phone.

            Nang makarating na siya sa Pevensie Corp. ay 1:30 na ng hapon. Dito siya nagtatrabaho bilang isang secretary. Secretary siya ng kanyang bestfriend na si Enriko. Isa si Enriko sa mga lalaking masasabi niyang “basted” sa ganda niya. Mula kasi nang manligaw sa kanya si Enriko nang college years niya ay ‘di niya ito muli pang pinansin. Hindi natiis ni Enriko ang sa apat na buwan ay ‘di siya pinapansin nito kaya nantili na lang siyang kaibigan nito at hanggang ngayon nga ay magkaibigan sila.

            Two years na silang magkatrabaho at sa edad na beinte dos ay pareho silang successful at walang away na hindi agad natapos. Nang makapagtapos sila ng pag-aaral ay agad silang natanggap sa kompanyang dalawang taon na rin nilang kasa-kasama.

            Sa dalawang taon na ‘yun ng buhay nila sa pagtatrabaho ay nakahanap na siya nang pupuwedeng maging lifetime partner ng kanyang matalik na kaibigan. Ito ay si Leen. Kahit na super close silang dalawa ni Enriko ay hindi nagseselos si Leen sa kanila. Masasabi ni Enisce na ito na nga ang perfect wife para sa kaibigan niya.

            “Bakit ka ba nagmamadali na magpunta ako dito? Hindi na nga ako nag-lunch para lang makapunta dito.” Himig na himig sa boses niya na gutom na nga siya. Kahit na-seduce siya ng amoy ng barbecue sa labas ng kotse kanina ay ‘di pa rin ito kumain.

            “Pasensiya ka na, huh. Talagang loves mo ako nuh. Hihintayin mo pang magdate tayo bago ka kakain.” Pambibiro nito. Naiinis talaga si Enisce kapag inaasar siya ng ganun ni Enriko. Madalas pa namang ginagawa ito ni Enriko kapag pikon na pikon na siya.

            Binatukan niya si Enriko. “Magtigil ka, dahil kahit boss kita ay magkaka-black eye ka talaga sa’kin.” Marunong ito sa martial arts, nakagraduate ito sa UP at isa sa mga natutunan niya ay ang martial arts.

            “Relax ka lang. Masyado ka kasing hot kaya naman puro na lang init ng ulo ang alam mo.” Nakangiting sabi ni Enriko.

            “San ba tayo kakain? Gutom na talaga ako at ‘pag hindi mo pa ako pinakain ay talagang lalapain kita sa kinauupuan mo ngayon.” Nakasimangot siya pero alam niyang hindi niya ‘yon magagawa. Si Enriko na lang naman kasi ang pamilya niya. Mula nang mamatay ang mama niya ay hindi na niya naisipan pang hanapin ang ama niyang itinakwil siya. Saka na lamang niya iyon gagawin kapag may dapat na siyang patunayan dito. Gamit gamit ni Reminisce ang apelyido ng mama niya nang dalaga pa ito. Kaya naman kilala siya bilang Reminisce Ceronan.

            “ Pero ‘wag mong kakalimutan na bisitahin ang mga client ko.” Nakangisi ito. “Ayaw ko kasing humarap sa kanila, lalaki kasi sila.” May pilyong ngiti dito. “Gusto kong clients yung mga magagandang babae, yung sexy.”

            “Oo, at may isa ka pang dahilan kung bakit gusto mong ako ang humarap sa mga clients mo.” Nakasimangot ito.

            “Ay, oo nga pala. Wala ka pa nga palang boyfriend since five years....” Nanahimik na ito at alam niyang mag-aaway lang sila.

            “Tara nang kumain ngayon.” Ani niya

            Nang matapos sila kumain ay maganda na ulit ang mood niya. Handa na siyang harapin ang mga lalaking inaakala niyang good-for-nothing boys.

            Nang pumasok siya sa kuwarto...

"Impressions"Where stories live. Discover now